^

Pang Movies

Keempee nakakangiti na uli!

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Keempee nakakangiti na uli!

May kuwento kung paano nakabalik bilang Kapamilya si Keempee de Leon, Salve A., For a while nga kasi ‘di ba? he was a permanent performer sa musical noontime show ng GMA-7 na Eat Bulaga.

 

When he left EB for three years, nag-concentrate siya sa kanyang business na itinayo. Until one day, na-feel niya raw na na-miss niya bigla ang showbiz.

Nai-post niya raw ito sa kanyang social media account, na agad namang nakapukaw ng atensyon ni Eric John Salut. Tinawagan siya nito at tinanong kung totoo ba na puwede na nga siyang magtrabaho sa ibang network.

Sa mga hindi nakakaalam, si EJ ay ang publicist and promotions manager ng Dreamscape Entertainment Television and Dreamscape Digital.

Dreamscape ang produksyon ng FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin at The General’s Daughter ni Angel Locsin.

Ang latest project ng nasabing production ay ang Bagman ni Arjo Atayde na mapapanood sa online streaming na IWant.

In any case, Keempee’s current project ay ang bagong serye ngayon na papalit sa Playhouse nina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo, ang Nang Ngumiti Ang Langit produced by Ruel S. Bayani and directed by FM Reyes and Marinette de Guzman.

Ganunpaman, thankful daw si Keempee kay EJ na siyang nagbigay dahilan sa kanya para masabi niyang ngumiti ang langit sa kanya.

Kaye matagal ding namahinga

Hindi lang si Keempee ang nagbabalik serye sa Kapamilya, dahil nandiyan din si Kaye Abad na ang huli pang ginawang teleserye ay ang Two Wives.

Ikinasal siya sa former Pinoy Big Brother housemate na si Paul Jake Castillo kamakailan lang who was also in Two Wives.

Nanay na si Kaye sa anak nilang si Joaquin, masaya naman daw siya sa pagiging nanay at asawa hanggang sa dumating ang offer ng Nang Ngumiti…

She said, she was lucky na pumayag si Paul Jake.

Pilar busy sa spiritual work

Samantala, matagal ding nawala ang beauty queen-actress na si Pilar Pilapil na more than 50 years nang nag-aartista.

She joined showbiz daw after her reign as Bb. Pilipinas-Universe 1967.

Now married to a Pastor, she is now too busy with her spiritual work.

Of Nang Nguniti… the series also stars RK Bagatsing, Cristine Reyes, Enzo Pineda, Matet de Leon, Michelle Vito at Dante Rivero.

Kasama rin ang child stars na sina Heart Ramos, Miguel Vergara, Krystal Mejas at Sophia Reola, na siyang may pinakamalaki at matinding role sa cast.

Magsisimulang “ngumiti” sa himpapawid ang Nang Ngumiti… ngayong Lunes (March 25).

Bayani may frontal sa pelikula

Ang una palang tinawagan ni Bayani Agbayani para ipaalam na gaganap siya in a lead role with Gelli de Belen sa pelikulang Pansamantagal ay ang isa sa itinuturing niyang malapit na kaibigan sa showbiz, si Aga Muhlach.

Solid nga raw ang naging samahan nilang dalawa, ani Bayani, since they worked together in several teleserye. “At mabait si Aga,” susog pa ni Bayani. “Ang galing at tapat makisama.”

And what was Aga’s reaction? Tanong namin.

“Feel ko haping-hapi siya for me,” sagot ni Bayani. “Although, biniro niya akong may kaagaw na raw siya bilang isa sa mga guwapong leading man sa pelikula.”

Asked again if he told Aga na may mga frontal scenes siya sa Pansamantagal, ang maliksing sagot ni Bayani: “Hindi na. Baka mainggit pa.”

But how sexy nga ba siya sa mga beach scenes niya with Gelli?

From Bayani: “Di ba mas maganda kung panoorin n’yo na lang ang movie?”

Kathryn nag-celebrate Rin ng birthday kasama si Alden

Meanwhile, it’s still Daniel Padilla with whom Kathryn Bernardo will be celebrating her 23rd birthday on March 26. Bagama’t may birthday celebration daw na inihahanda para kay Kathryn ang mga makakasama niya sa kanyang first movie team-up with Alden Richards.

First week of April daw kasi ang shooting nina Kathryn at Alden sa Hong Kong. At, most likely, one month daw sila doon magtatagal.

Both will be playing OFWs (Overseas Filipino Workers) sa pelikula.

vuukle comment

KEEMPEE DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with