Kultura ng Korea, matindi ang disiplina
Ano talaga ang dapat pa natin hangaan sa kultura ng showbiz ng Korea? Ang paraan ng remorse na kanilang ipinakita sa kasalanan na nagawa nila.
Kahit ang pinakasikat na Korean singer-dancer na si Seungri, nag-retire sa showbiz dahil sa kinasangkutan na scandal.
Walang takot na tinatalikuran ng Korean stars ang fame and fortune dahil sa kanilang akala na may kasalanan sila.
Hindi nila pinanghihinayangan ang kasikatan bilang pagsisisi sa kanilang ginawa na pagkakamali.
Malaki ang talent fee ni Seungri, nasa top of the world siya pero nag-babu sa lahat para harapin ang parusa sa kasalanan na ginawa niya.
Sabi nga, ang pagharap at pagtanggap sa pagkakamali ang defining factor kung ano ka as a person.
No amount of alibi can smokescreen of what you really are. Basta nagkasala ka, harapin mo at tanggapin, mas mabuti pa ‘yon kesa pagtakpan mo.
Kung anuman ang paghanga na natatanggap mula sa fans, ganoon din ang honesty na aasahan nila.
Bongga ang training ng Korean stars mula sa mandatory military service hanggang sa acceptance of mistakes nila. Good example of being idols ang ipinakikita nila.
Joey hindi nakasama sa Holy Land trip, kinasal ang anak
Hindi kasama sa Holy Land trip ng Eat Bulaga Dabarkads si Papa Joey De Leon dahil hindi siya puwedeng umalis ng Pilipinas.
Ang akala kasi ng iba, nag-join sa Holy Land trip si Papa Joey dahil sa kanyang mga social media post.
Malinaw naman ang sinabi ni Papa Joey na puro throwback pictures ang makikita sa kanyang Instagram account para masabi na nagpunta rin siya sa Holy Land.
Hindi kasama si Papa Joey sa Holy Land dahil mas importante ang dinaluhan niya noong March 16, ang wedding ng kanyang anak na si Jako na ginanap sa Archbishop Palace sa Mandaluyong City.
Ikinasal si Jako sa kanyang longtime girlfriend na si Gillian Salita na pamilya at malalapit na kaibigan lang ng bagong kasal ang mga saksi.
Direk Alex gusto pang masundan ang Papa Pogi
Bukas na ang showing sa mga sinehan ng Papa Pogi, ang comedy movie ng Regal Entertainment Inc. na nagkaroon kagabi ng red carpet premiere sa Trinoma Cinema.
Wish ko talaga, pilahan sa takilya ang bagong pelikula ng Regal para maging happy sina Mother Lily at Roselle Monteverde.
Kapag kumita ang Papa Pogi, lalong gaganahan sina Mother at Roselle na mag-produce ng pelikula at kapag nangyari ito, marami ang mabibigyan ng trabaho.
May plano nang ilipat sa ibang araw ang pagbubukas ng mga pelikula sa mga sinehan. Instead of Wednesday, gawin na Biyernes. Actually, dati-rati tuwing Friday ang opening day ng Tagalog films sa mga sinehan pero ginawang Miyerkules.
Hindi ko na matandaan kung bakit mula sa Biyernes, inilipat sa Miyerkules ang opening day ng mga pelikula, Tagalog man o Hollywood films.
Si Alex Calleja ang direktor ng Papa Pogi. Siya rin ang sumulat ng kuwento ng launching movie ni Teddy Corpuz.
May pakiusap at panawagan si Alex na suportahan ang Papa Pogi. Importante kay Alex na kumita sa box-office ang directorial debut niya para masundan pa ang kanyang mga project bilang direktor.
- Latest