^

Pang Movies

Yul parang hindi pulitiko kung makipagkuwentuhan

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Yul parang hindi pulitiko kung makipagkuwentuhan
Yul Servo

Hanggang ngayon, simpleng-simple pa rin si Congressman Yul Servo.

Kung magsalita hindi mo sasabihing pulitiko dahil kung magkuwento siya parang ang naririnig mo lamang ay ang kaibigan ninyo. Ang maganda pa sa kanya, binibigyan niya nang pagpapahalaga ang kanyang pagiging isang artista.

Aminado siya na hindi naman siya makarara­ting sa kung ano man ang naabot na niya ngayon. Siyam na taon siyang konsehal ng Maynila, ngayon ay congressman ng ikatlong distrito at umaasa pang mananatili siyang congressman doon. At sinasabi nga niyang siguro kaya mabilis niyang nakuha ang pagtitiwala ng mga tao ay dahil artista siya.

Iyon naman ang sinasabi niya, sinisiguro niyang malinis ang kanyang pag­lilingkod. Sinisiguro niyang may ginagawa siya talaga para sa bayan, at hindi siya sumasama sa corruption para pangalagaan ang imahen ng isang artista.

Christopher at Sandy 3x nang nagpakasal!

Natuwa naman kami talaga nang makita namin ang balita na si Christopher de Leon at si Sandy Andolong ay muling nagpakasal sa ikatlong pagkakataon habang sila ay nagbabakasyon sa Vietnam. Kasabay iyon ng pagdiriwang ng ika-39 na taon ng kanilang pagsasama.

Unang nagpakasal ang dalawa noong 1997 sa isang kasalang sibil, tapos nagpakasal silang dalawa sa simbahang Katolika noong 2001.

Nakakatuwa iyang mga ganyang pagmamahalan na isipin ninyo tumagal nang 39 na taon na. Eh dito sa showbiz magpapakasal ngayon, suwerte na iyong tumagal ng limang taon maghihiwalay na. Meron nga rito dalawa lang ang anak pero tatlong ulit nang nagpa-annul ng kasal. Meron pa nga dalawa lang ang anak pero apat na ang naging asawa.

Sina Boyet at Sandy, napakalaki ng naging kaibahan ng buhay lalo na noong pareho silang maging involved sa mga samahan sa simbahan. Nauna silang naging aktibo sa Catholic Charismatic movement at nang malaunan sa iba pang mga samahan sa simbahan.

Isa pa, nagpakasal sila sa simbahan. Malaki ang kaibahan noon eh. Maraming ikinakasal sa sibil lamang. Kung sabihin nga legal naman iyon, pero nakakalimutan natin kung minsan na ang kasal ay hindi lang kasunduang sibil o legal. Iyang kasal ay isang sakramento, kaya dapat talaga isinasagawa sa simbahan. Mas nagiging matibay talaga kung kasal sa simbahan.

Isa pa, naging masigasig naman sila sa kanilang buhay. Hanggang ngayon naman maganda pa rin ang takbo ng career nilang dalawa. May panahong nagkasakit din si Sandy, pero sa awa nga ng Diyos malusog na uli siya.

Kristofer King ginawan ng fundraising

Sinagot na raw ni Coco Martin ang pagpapalibing kay Kristofer King, pero siyempre hindi lang iyon ang problema kung di ang kabuhayan din ng kanyang naiwang pamilya. Kumilos din ang fundraising master na si Jun Lalin para makakalap ng tulong. Ang inaasahan naming tutulong nang husto kay Kristofer King at sa kanyang naiwang pamilya ay isang television host, kasi naging malapit silang “magkaibigan” talaga noong nabubuhay pa ang actor.

Sabi nga rin ni Jerry Olea, “award winning actor naman si King”, at take note hindi siya nanalo sa awards na isinusubasta.

YUL SERVO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with