^

Pang Movies

Asawa ni AiAi walang kaba sa unang pagpapalipad

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Asawa ni AiAi walang kaba sa unang pagpapalipad

Bongga rin si Gerald Sibayan, ang asawa ni AiAi Delas Alas dahil nakapagpalipad na siya ng eroplano noong Miyerkules.

 

Tuluy-tuloy na talaga ang pangarap ni Gerald na maging piloto na hindi madali pero nagawa niya.

Mahirap kaya na magpalipad ng eroplano pero pumasa with flying colors ang asawa ni AiAi na tiniyak na masasaksihan niya ang unang paglipad ni Gerald.

Siyempre, hindi kasama si AiAi sa first solo flight ni Gerald dahil sure na mauuna siya na kabahan. Bilib nga si AiAi kay Gerald dahil composed na composed ito as in hindi nakitaan ng kaba nang mag-take off ang eroplano na pinapaandar niya.

Sa mga artista, si Ian Veneracion at ang pumanaw na aktres na si Isabel Granada ang magaling magpalipad ng eroplano.

Palibhasa’y dikit sa mga sikat, Bernard Cloma maraming intriga

Kawawa naman si Bernard Cloma dahil may nagkakalat ng tsismis na wala na siya sa good graces ni Jinkee Pacquiao at hindi raw siya kasama sa Las Vegas sa fight ni Papa Manny Pacquiao kay Adrien Broner.

Hindi po totoo ‘yan. Si Bernard ang nag-asikaso sa amin sa MGM Hotel, dinala kami sa kinaroroonan nina Papa Manny at siya ang palaging kasama sa mga lakad ni Jinkee at mga kapatid nito.

Nakakatuwa na ang daming intriga sa buhay ni Bernard ha ha ha! Dakilang friend kasi siya ng mga sikat kaya puno rin ng intriga at istorya ang buhay niya.

Pinaka-close si Bernard kay Mama Jinkee at Vice Ganda. Love din siya ni Kris Aquino at Papa Toby Tiangco.

Bongga nga si Bernard dahil anywhere, nandoon siya dahil kasama niya ang kanyang  mga friend na love siya.

O Bernard,’yung gloves namin ni Lynette Baldivino papirmahan mo na kay Champ Manny ha?

Aktor nabuking na ang kaelyahan kalma muna ang buhay

Nananahimik na ang aktor na matagal nang questionable ang sexual preference pero hindi pa rin siya tinatantanan ng mga intriga.

Kahit low profile muna ang aktor, lumilitaw ang mga kuwento tungkol sa kanyang mga kalan­dian at ang mga mhin na nilandi niya ang nagsasabi sa mga reporter.

Siyempre, enjoy na enjoy sa pakikinig ang mga reporter sa mga sexcapade ng aktor dahil super deny ito sa mga tsismis na nakakasira sa kanyang macho image projection.

Enjoy na enjoy din naman ang mga madadaldal na mhin dahil ang feeling nila, sikat na sila dahil sa panahon na ibinibigay sa kanila ng mga reporter.

May reason ang pananahimik ng aktor dahil pinalilipas muna nito ang eskandalo na kinasangkutan niya na malaki ang naging epekto sa kanyang career sa showbiz.

vuukle comment

AIAI DELAS ALAS

GERALD SIBAYAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with