^

Pang Movies

Lucky car ni Sen. JV, natupok sa sunog!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Lucky car ni Sen. JV, natupok sa sunog!
JV

Malungkot si Senator JV Ejercito dahil kasama ang kanyang sasakyan sa mga natupok sa sunog na nangyari kahapon sa isang auto repair shop sa EDSA, Mandaluyong City.

Umaga nang mangyari ang nasunog kaya lalong tumindi ang traffic situation sa EDSA.

Nalaman ng mga tao na nasunog ang lucky car ni JV dahil siya mismo ang nag-tweet tungkol sa malungkot na nangyari sa sasakyan niya.

“I feel sad, my car for the past 10 years, my To­yo­ta Sequioa burned in the fire at Autoplus Car Center this morning. Feeling sentimental because we’ve been through so many battles and it was my most reliable, not to mention “lucky” car. Will be missing this car,” ang tweet ni JV na hindi mapigilan ang malungkot, kahit sure tayo na insured ang kanyang sasakyan at mapapalitan ito ng insurance company.

Iba kasi talaga kapag may emotional attachment sa’yo ang mga bagay-bagay na bigla na lang nawala sa isang iglap.

Kara Mia malalaman na kung nakahabol sa AP

Malalaman ngayon ang resulta ng tapatan ng FPJ’s Ang Probinsyano at ng Kara Mia na nangyari kagabi.

Excited ang fans na malaman ang resulta dahil maingay na maingay ang Kara Mia dahil bago sa lahat ang concept ng primetime teleserye ng GMA-7 na starring sina Mika Dela Cruz at Barbie Forteza.

Ang maraming memes tungkol sa Kara Mia ang isang proof na napukaw ng show ang interes ng televiewers.

This early nga, may mga nagtatanong na kung magkakahiwalay ba sina Kara at Mia, kahit iisa ang kanilang mga katawan? Why not? Anything can happen sa isang telefantasya dahil mga anak sina Kara at Mia ng engkanto na ginampanan ni Mike Tan.

Siyempre, pinanood ng JakBie fans ang Kara Mia bilang suporta nila sa tunay na buhay na loveteam ni Barbie at ng boyfriend nito na si Jak.

Traffic sa ere parang EDSA na rin

Naalala mo ba Salve noong nagpunta tayo sa Boracay nina Gorgy Rula? Na-shock tayo nang mag-announce ang pilot ng Air Philippines na hindi tayo maka-landing dahil walang available na parking sa airport?

Nakakatawa pero totoo, kahit pala mga eroplano may problem sa parking. Grabe ha?

Parang nasa land travel ka rin na nadi-delay ang biyahe dahil sa traffic at ang the worse, kapag na­rinig ko na hindi maka-dock ang barko dahil may traffic, ito na ang bonggang-bongga talaga.

Kaya nga sabi ko, huwag nang magpa-stress sa traffic, tanggapin na natin ng maluwag sa kalooban na araw-araw nang matindi ang traffic situation sa Metro Manila.

Para hindi tayo maapektuhan, agahan na lang natin ang pagkilos at paghahanda.

Stressful lang naman kung naghahabol ka sa oras, pero kung tamang-tama lang, hindi ka apektado. ‘Yung mga babagal-bagal, matuto lang magmadali, ‘yung may mga lakad, ayusin ang schedule.

Basta laging ilagay sa utak, kung hindi natin ma-handle ang traffic, eh di lalo na ang ibang mga problema natin na mas mabigat pa?

Test of character din ang traffic, makikita mo kung hanggang saan ang pasensiya ng tao, hanggang saan endurance nila.

Hay buhay, ang dami-dami na dapat ayusin. Tawanan na lang natin.

JV

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with