^

Pang Movies

Rochelle tuloy ang trabaho kahit malapit nang manganak

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Rochelle tuloy ang trabaho kahit malapit nang manganak

Maraming humanga kay Rochelle Pangilinan nang mag-post siya ng photos na kuha niya mula sa The Concept Room Studio na nagpapakitang nakalabas ang 9-months tummy niya.

 

“I’m a dancer, actor and wife, now soon to be Mom ... Psalm 139:13-17 “You made all the delicate inner parts of my body, and knit them together in my mother’s womb. Thank you for making me so wonderfully complete! It is amazing to think about. Your workmanship is marvellous.”

Binati si Rochelle ng congratulations ng mga kasama niya sa PPL Entertainment tulad nina Angelika dela Cruz, Direk Gina Alajar, at sina Mikee Quintos, Isabel Prats, at kahit ang actor na si John Arcilla, napa: “Ang bata...!!! Baka ka madulas! Omg Roc, what are you doing! Misshu guys! Godbless and TC of yourself and Art!”

At tuluy-tuloy pa ring nagti-taping si Rochelle ng primetime series nilang Onanay na hanggang kaya pa raw niya ay magtatrabaho pa rin siya.

Ruru handang tapatan ang abs ni David

Ipinabilang pa ni Ruru Madrid, kung ilan ang abs niya, sa mediacon ng TODA, One I Love, a political romantic-comedy series last Wednesday, January 30, dahil sa bagong serye mula sa GMA News & Public Affairs, may pakitaan ng mga abs nila sina Ruru at ang ka-love triangle nila ni Kylie Padilla, si David Licauco. So, sino sa kanila ni David ang mas maraming abs?

“Hindi po ako nakikipagkumpetensiya kay David,” natatawang wika ni Ruru. “Basta kung kailangan ko pong i-display ang abs ko sa eksena game naman ako.”

Inamin ni Ruru na may gagawin siyang pictorial para sa Bench summer campaign. Ano ang isusuot niya, kasi last year, may pictorial siya for Bench pero naka-long pants lamang siya.

“Okey po naman sa akin kahit underwear, basta hindi po naman mukhang malaswa.  Sa ngayon po hindi ko pa alam kung ano ang isusuot ko sa pictorial. Priority ko po muna ngayon itong aming TODA, dahil gusto kong magustuhan ito ng mga manonood.”

Nagpasalamat si Ruru na muling ibinalik ng GMA ang love team nila ni Kylie, kaya masayang-masaya raw ang kanilang fans. Thankful din sila ni Kylie sa KyRu fans na lagi raw may dinadalang masasarap na pagkain sa set nila ng taping kahit ang layo ng location nila sa Pampanga.

Sa serye gagampanan ni Ruru ang role ni Raymond “Emong” Magsino, anak siya ng kasalukuyang namumuno sa TODA. Gusto ni Emong na mapabuti ang buhay ng kanyang pamilya kaya nag-abroad siya para magtrabaho bilang isang mekaniko, kaya pansamantala silang nagkahiwalay ng kaibigang si Gelay (Kylie). Bumalik siya agad nang mawalan siya ng trabaho sa abroad at nakita niya kung gaano na kaganda pero matapang si Gelay. Na-in love siya rito, pero may kakumpetensiya siya, si Kobe Generoso (David). Kung ayaw niyang makipagkumpetensiya sa abs ni David, papayag ba siyang hindi ilaban ang pag-ibig niya kay Gelay?

Sa Monday, February 4, after ng Onanay ang world premiere ng serye kasabay ng GMA Pinoy TV sa abroad.

vuukle comment

ROCHELLE PANGILINAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with