^

Pang Movies

Ariel binawalan sa Eat Bulaga

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Ariel binawalan sa Eat Bulaga
Ariel

Maraming fans ng mag-asawang Ariel Rivera at Gelli de Belen ang nalungkot nang pagtawag ni Vic Sotto, host ng Boom segment ng Eat Bulaga, ng mga celebrity guests nila na sina Ariel, Gelli at Inah de Belen, ay wala si Ariel na ang kapalit  ay si Yuan na younger brother ni Inah. 

Siguro ay hindi pinayagang na mag-guest si Ariel, magpu-promote pa naman sila ni Gelli ng movie nilang Sikreto ng Piso dahil showing na sila sa Wednesday, January 30 at may special screening sila sa Tuesday, January 29.

Sayang at hindi sila nanalo, nag-promote na lamang sina Gelli at Inah na last two weeks na lamang mapapanood ang kanilang afternoon prime drama series na Ika-5 Utos.

Robin ibang bayad ang hiningi sa pelikula ni Bato

Wala palang hininging talent fee si Action Superstar Robin Padilla nang tanggapin niya ang role ni General Bato dela Rosa sa filmbio nito na Bato: The General Ronald dela Rosa Story. Nagulat daw ang mga kausap ni Robin nang sabihin niyang walang presyo siyang hihingin sa movie, hiningi lamang niya ang rights ng buhay ng dating Philippine National Police (PNP) Chief.

“Gusto ko kasing gawing movie para sa Netflix ang buhay niya,” sabi ni Ro­bin. “Nakita ko kasing uso ang mga ganitong movie sa Netflix, kaya iyon ang hi­ningi kong bayad nila sa akin. Pumayag naman ang ALV Films at Benchingko Films.”

Si Robin kasi, hindi rin talaga nagpapabayad ng ta­lent fee basta sa kaibigan at sa paniniwala niya sa tinutulungan niya. Suportado ni Robin si General Bato at ganoon din kung sino ang susuportahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Directed by Adolfo Alix, Jr. mapapanood na sa Wednesday, January 30, ang Bato: The General Ronald dela Rosa Story in cinemas nationwide.  May red carpet premiere night sila sa Tuesday, January 29, sa SM Megamall.

Manolo pumasang leading man ni Kyline

Masayang-masaya si Kapuso actor Manolo Pedrosa nang siya ang makapasa sa audition para maging leading man ni Kyline Alcantara sa bagong sisimulang afternoon prime drama-musical series na Inagaw Na Bituin na nagtatampok din kay Therese Malvar, kasama ang dalawang primera actress na sina Sunshine Dizon at Angelika dela Cruz. 

Sa palagay ni Manolo, bakit siya nakapasa sa audition?

“Ako po itinuring kong first test sa amin ni Kyline nang magtambal kami sa isang episode ng Daig Kayo Ng Lola Ko na gumaganap akong kambal kung saan kambal din sina Kyline at Bianca Umali. Madali po kaming naging comfortable ni Kyline dahil four episodes ang ginawa namin.   Kaya naman po after na nakapasa ako sa audition, nag-taping na kami agad ni Kyline, she’s fun to work with at napakahusay niya sa mga eksenang napanood ko na.”

Ang Inagaw na Bituin ay dinidirek ni Mark Reyes at mapapanood na sa third week of February.

ARIEL B

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with