Sunday PinaSaya mamimigay ng award
MANILA, Philippines — Sa pagbubukas ng bagong taon, bibigyang-parangal ng Sunday PinaSaya ang mga natatanging performances at talentong ipinakita ng cast members at guests ng top-rating comedy-musical variety show sa kauna-unahang Sunday PinaSaya Awards.
Kikilalanin ng Sunday noontime habit sa bansa ang mga Kapuso stars na nagningning sa iba’t ibang segments at nakapaghatid ng saya sa Kapuso viewers noong nakaraang taon.
Bawat isa sa apat na judges ay pumili ng isang winner sa bawat kategorya. Ang isang judge ay katumbas ng isang boto. Ang nominado na may pinakamataas na bilang ng boto sa online poll sa Facebook ay makakukuha ng isang boto na idadagdag sa total score.
Ang nominado na nakakuha ng pinakamataas na bilang ng boto mula sa judges at mga manonood ay siyang idedeklarang panalo at mag-uuwi ng Sunday PinaSaya award.
Narito ang ilan sa mga nominado:
Best Character:
Donya Aivita (Aiai delas Alas)
Aling Goreng (Joey Paras)
Namoa (Valeen Montenegro)
Coach Cynthia (Wally Bayola)
Ma Es (Ryzza Mae Dizon)
Best Breakout in Comedy of a Drama Actor:
Ruru Madrid
Andre Paras
Bianca Umali
Miguel Tanfelix
Kim Last
Best Comedy Performance By a Guest:
Dennis Trillo
Jennylyn Mercado
Carla Abellana
Maine Mendoza
Matt Evans
Super Tekla
Para suportahan ang inyong paboritong Kapuso artists at segments, bisitahin lamang ang Sunday PinaSaya Facebook page at piliin ang pangalan nito. Maaaring bumoto mula hanggang Enero 25 (Friday).
Alamin yan sa Linggo sa Sunday PinaSaya sa GMA Network.
- Latest