^

Pang Movies

Prinsesa ng Thailand biglang naging fan ni Catriona

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Prinsesa ng Thailand biglang naging fan ni Catriona
Sirivannavari & Catriona

Bago pala bumiyahe pauwi ng Pilipinas si Miss Universe 2018 Catriona Gray, binisita siya ng prinsesa ng Thailand na si Sirivannavari Nariratana.

Binisita ang bagong Queen of the Universe ng naturang prinsesa noong December 18 at may dala-dala itong regalo.

Kumalat na nga sa social media ang photo nilang dalawa at isang big fan pala ang prinsesa ni Catriona.

Bukod sa pag-uusap nila, niregaluhan ng prinsesa si Catriona ng isang mamahaling evening gown at isang box of chocolates.

Kilala pala si Princess Sirivannavari sa kanyang pagiging stylish royal at meron itong sariling designer label. Laman din daw ito ng mga fashion weeks sa iba’t ibang bansa.

Anyway, naranasan na raw ni Catriona ang biglaang fast-track life dahil sa loob lamang ng 24 oras noong makoronahan siya as Miss Universe, ang dami na niyang ginawa at saglit lang ang kanyang nagiging pahinga.

Pagkatapos koronahan bilang bagong Miss Universe, inayusan at ni-retouch siya para sa first official photo shoot niya as Miss Universe.

Sumunod ang interview niya with Kalani Hilliker and analysts Carson Kressley and Lu Sierra.

Pagkatapos ng interview ay nagkaroon ng brief moment si Catriona na mayakap ang kanyang parents na sina Ian at Mita Gray. Nasundan ito agad ng ilang series of picture taking.

Nag-lunch break si Catriona at sumunod dito ang isang live interview with with Dyan Castillejo na umere ng live sa ABS-CBN’s TV Patrol.

Nagkaroon ng after-party kinagabihan ang lahat ng candidates ng Miss Universe 2018 sa Dusit Thani Bangkok. Doon na nakipag-celebrate si Catriona sa fellow candidates niya, lalo sa kanyang roommate na si Miss Indonesia.

Doon na rin nagkaroon ng time si Catriona na i-update ang kanyang Instagram account para magpasalamat sa lahat ng sumuporta sa kanya para maabot niya ang kanyang pangarap.

Doon na rin niya nalaman na umabot na sa higit na 3.2 million ang followers niya sa Instagram.

Pero walang naging update kung nagkaroon pa sila ng panahon ng kanyang boyfriend na si Clint Bondad na sumuporta sa kanyang girlfriend sa Thailand noong coronation. 

Ayon sa isang reliable source, hindi raw magawang lapitan para mayakap at mahalikan ni Clint si Catriona para sa pagkapanalo nito dahil napaligiran na ito ng maraming bodyguards. 

Kahit daw ang cellphone ni Catriona ay may ibang may hawak at monitored na raw ang mga tawag at natatanggap nitong messages.

Dahil sa magiging hectic ang schedule ni Catriona sa buong taon, malalagay sa sideline muna ang kanilang relasyon hanggang sa araw na ipapasa na nito ang korona sa ibang winner.

Pagkatapos ng whole day of activities ni Catriona sa Pilipinas noong nakaraang December 20, lumipad ito agad for New York para masimulan na niya ang sunud-sunod na activities at events bilang bagong Miss Universe.

Paolo nangingislap ang mata sa pagka-in love

Definitely ay hindi blue ang kulay ng Pasko ni Paolo Ballesteros dahil kitang-kita sa kanyang social media accounts na luma-lovelife ito.

Kahit na wala pang confirmation mula kay Paolo kung ano sila ng kanyang constant date na si Kenneth Gabriel Concepcion, ramdam naman ng lahat na may something na sa kanilang dalawa.

Pinag-merge pa nga nila ang mga name nila para maging “siopao”. 

Masaya naman ang lahat para sa Team Siopao dahil nakikitang masaya at may kislap ang mga mata ni Paolo.

Noong nakaraang birthday nito ay pinadalhan si Paolo ng isang bouquet of flowers na ikinakilig ng mga followers nito sa Instagram.

Ed Sheeran pinakamayamang singer ng 2018

Si Ed Sheeran ang proclaimed na top-earning musician ng taong 2018.

Kumita si Sheeran ng $433 million sa taong ito dahil sa album niyang Divide. Tinalo niya ang kanyang kaibigan na si Taylor Swift, gayundin sina Beyoncé at Jay-Z. 

Ayon sa statistics, kumikita si Sheeran ng $8.2 million weekly dahil ito sa kanyang sold out tour na nagdala sa kanyang sa 53 cities. He got a total of 94 shows at nabenta rito ay higit na 5 million tickets.

Na-break na nga ni Sheeran ang kanyang 2014/15 tour na Multiply kug saan ang kinita niya ay $150 million.

Ang BFF niyang si Taylor ay nasa second spot as 2018’s top-earning musician na ang kinita ay $308 million in 2018.

Third spot sina Beyoncé at Jay-Z na kumita sa kanilang 2018 tour ng $254 million.

Nakasama rin sa Top 10 ay sina Pink, Bruno Mars, Justin Timberlake, The Rolling Stones, Roger Waters and The Eagles.

Na-engage rin si Sheeran noong January 2018 at rumoured  na secretly married na sila ng fiancée niyang si Cherry Seaborn.

vuukle comment

PRINSESA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with