^

Pang Movies

Iza kapiling pa rin ang mga magulang sa kasal

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Iza kapiling pa rin ang mga magulang sa kasal

Ulila nang lubos sa mga magulang ang magkapatid na Iza at Dash Calzado kaya hindi maiwasan ni Iza na maalaala ang mga ito sa araw ng kanyang kasal kay Ben Wintle last December 19 na ginanap sa Club Paradise sa Coron, Palawan.

 

Pakiramdam ni Iza ay kapiling niya ang kanyang mga magulang dahil ang magkahiwalay na litrato ng kanyang parents sa loob ng locket ay nakalagay sa kanyang wedding boquet. Ang only brother niyang si Dash ang naghatid sa kanya sa altar.

Natupad ang intimate beach wedding na gusto ng newlywed couple na sina Iza at Ben na dinaluhan ng kanilang malalapit na kaibigan at pamilya mismo ni Ben.

It was in October 7, 2017 nang mag-propose ang Fil-British businessman na si Ben kay Iza at mahigit isang taon naman ang kanilang hinintay para maisakatuparan ang kanyang kasal nung December 19.

Tumayong isa sa mga flower girls ang celebrity daughter nina Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho, Jr. na si Scarlet Snow. Naroon din ang mag-asawang Cristalle Belo at Justin Pitt at ang kanilang 6-month old son na si Hunter James, si Grace Lee at husband nito and their baby, ganundin sina Direk Mark Reyes, ang fashion designer na si Rajo Laurel at Encantadia former co-stars na sina Sunshine Dizon, Karylle at Diana Zubiri na kasama naman ang kanyang mister na si Andy Smith.

Hindi man nasaksihan ng parents ni Iza ang kanilang kasal ni Ben, alam niyang masaya umano ang mga ito para sa kanilang mag-asawa lalung-lalo na ang ama ni Iza na si Lito Calzado na super close sa kanyang anak na babae.

Lotlot naluha nang isayaw ni Christopher

Kung hindi nakadalo ang adoptive mom ni Lotlot de Leon, ang superstar na si Nora Aunor sa kasal nila ng kanyang longtime Lebanese partner na si Fadi El Soury noong nakaraang December 17 sa El Jardin de Zaida sa San Juan, Batangas, hindi rin nakarating sa wedding ang biological father nito na si Donald Olson dahil bagong opera lang umano ito.

Maging ang kanyang biological mother na si Eva Rodriguez ay hindi rin nakapunta dahil hindi ito nakakuha ng leave sa kanyang trabaho sa Amerika. Pero nakara­ting ang tatlong half-American siblings ni Lotlot na sina Dawn Evans, Donna Bennett at Myria Dufresne.

Hindi rin nagpabaya ang adoptive dad ni Lotlot na si Christopher de Leon at misis nitong si Sandy Andolong na isa sa mga tumayong principal sponsors. Kumpleto rin ang mga kapatid ni Lotlot na sina Ian, Matet, Kiko at Kenneth maging ang kanyang apat na anak sa kanyang ex-husband na si Ramon Christopher Gutierrez o Mon­ching na sina Janine, Jessica, Diego at Maxine.

Si Janine ang tumayong Maid of Honor at Best Man naman ang rumored boyfriend nitong si Rayver Cruz. Dumalo rin ang ilang kaibigan ni Lotlot tulad nina Arlene Muhlach, Nadia Montenegro, Manolet Ripol, Bimbo Bautista, Cris Villanueva at iba pa. Naroon din ang lola ni Lotlot na si Lilia Dizon, ina ni Christopher de Leon at mga kapatid na sina Pinky at Melissa de Leon. Kasama naman ni Ian ang kanyang misis na si Jennifer Orcine at anak nilang si Jaden. Ipinagbubuntis naman ngayon ni Jenny ang kanilang magiging second baby ni Ian.

Samantala, naluha si Lotlot nang siya’y isayaw ng amang si Boyet (Christopher de Leon) at na­ging emotional naman si Boyet sa kanyang wedding message sa mag-asawang Lotlot at Fadi.

vuukle comment

DASH CALZADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with