^

Pang Movies

Direktor ng Daisy Siete pumanaw na!

Pang-masa
Direktor ng Daisy Siete pumanaw na!
Pat

Yumao na noong Friday night ang direktor na si Pat Perez.

Matagal na ring may brain tumor si Direk Pat at ayon sa kaibigan niyang si Daddie Wowie Roxas (dating talent manager), sa National Kidney Institute namatay ang veteran TV director.

Matagal ding naging direktor ng Daisy Siete si Direk Pat at kasosyo rin siya ni Joy Cancio sa pagpo-produce ng afternoon series na ‘yon na matagal ding namayagpag sa GMA-7 at pinagbidahan ng grupong SexBomb at naging leading man pa si Coco Martin sa isang season no’n.

Nagkaroon ng falling out sina Direk Pat at Joy at matagal ding hindi nag-usap, pero nang naka-confine raw sa St. Luke’s Medical Center sa E. Rodriguez, Quezon City si Direk Pat (bago siya inilipat sa NKI) ay dumalaw ang dating manager ng SexBomb at nagkaayos ang dalawa.

“Nagkaiyakapan pa sila. Nagkapatawaran. Ang maganda, walang sama ng loob si Direk Pat nang yumao,” sabi ni Daddie Wowie.

Hindi na raw ibuburol ang mga labi ni Direk Pat dahil ‘yon dahil ang hi­ling nito bago yumao, pero may necrological service raw bukas sa Cosmopolitan Memorial Chapels & Crematory sa Araneta Ave., Que­zon City. Bale 9:00AM ang mass bago ang cremation ng 10:00AM at sa Divine Word Columbary sa Christ The King sa E. Rodriguez Ave., Q­uezon City ilalagak ang kanyang ashes.

Inaasahang dadalo ang mga naging bahagi ng Daisy Siete sa necro­logical service para kay Direk Pat.

Monching ‘di invited sa kasal ni Lotlot!

Sa San Juan, Batangas ang kasal ni Lotlot de Leon on December 17 sa fiancé niyang Lebanese businessman na si Fadi El Soury.

Sabi ng isang nakausap ko, inaasahang darating doon ang famous parents ng aktres, sina Nora Aunor at Christopher de Leon.

What about Ramon Christopher, Lotlot’s ex-husband?

“Ang alam ko, hindi invited si Mon­ching. Saka parang awkward naman kung darating doon si Monching the same thing kung darating si Balot (paboritong tawag sa aktres) kung sakaling si Monching naman ang ikakasal,” sabi ng isang malapit sa nanay ni Janine Gutierrez.

Civil naman yata sa isa’t isa sina Lotlot at Monching, pero hindi raw masasabing friends ang mga ito.

Anyway, masaya ang mga kaibigan ni Lotlot para sa kanya dahil sobra silang nagmamahalan ni Fadi.

Lani at Martin magsasama sa Valentine

Dalawa ang Valentine concert ng StarMedia Entertainment ni Anna Puno.

Isa sa PICC na pagsasamahan nina Martin Nievera at Lani Mi­salucha at ang kay AiAi delas  at grupong OPM Hitmakers naman ang pangalawa at sa Resorts World Manila ‘yon.

Kasama sana ni AiAi sa Valentine concert na ‘yon si Rico J. Puno kung hindi ito yumao.

Malamang, gawin din nilang tribute ang concert na ‘yon para kay Rico na bukod sa paboritong i-produce ni Anna ng concert here and in the States ay brother-in-law pa niya.

 

 

vuukle comment

PAT PEREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with