Magpahanggang Wakas, Asintado, at The Better Half, mapapanood sa Vietnam at Myanmar
Bongga, mapapanood na sa Vietnam at Myanmar ang mga teleseryeng Magpahanggang Wakas, Asintado, at The Better Half, matapos magkasundo ang ABS-CBN at iba’t ibang Southeast Asian media companies na maipalabas ang mga ito sa mga naturang bansa.
Dadalhin ng Viet Content, isang media group na bumibili at nagpapalabas ng mga dayuhang programa sa Thailand, ang Magpahanggang Wakas ( I’ll Never Say Goodbye) na pinagbidahan ni Jericho Rosales sa Vietnamese viewers. Katambal ni Jericho sa programa si Arci Muñoz, na gumanap bilang ang babaeng una niyang minahal at matatagpuang muli matapos ng matagal na panahon.
Ang media company na S&E Syndication naman ang magpapalabas ng Asintado ni Julia Montes sa Myanmar. Tungkol ito sa isang babaeng hinahanap ang nawalay niyang kapatid at gagawin ang lahat upang maghiganti sa mga taong sumira ng kanilang pamilya.
Sa Myanmar din ipapalabas ang The Better Half, matapos magkasundo ang ABS-CBN at Canal +, isang premium na cable channel. Tampok dito sina Carlo Aquino, Shaina Magdayao, Denise Laurel, at JC de Vera.
Naipalabas na sa ibang bansa sa Southeast Asia, gaya ng Thailand at Cambodia, ang ilang Kapamilya shows tulad ng Pangako Sa ‘Yo, La Luna Sangre, The Legal Wife, at Bridges of Love.
Patuloy na namamayagpag ang Kapamilya shows sa ibang bansa at napapanood ng ibang lahi dahil sa ABS-CBN International Distribution.
Maine, nakakaloka ang Halloween costume
Ayaw pakabog ng Daddy’s Gurl star na si Maine Mendoza sa nakakaloka niyang Halloween costume! Complete with inidoro at dyaryo, ang caption pa ni Meng sa Instagram ay “Me giving a crap about halloween”. Tawang-tawa naman ang netizens sa gimik ng idolo nila.
Napapanood ang Daddy’s Gurl tuwing Sabado with Vic Sotto.
Anyway, as usual patalbugan nga naman ng Halloween costumes ang mga artista na regular naman nilang ginagawa every year.
- Latest