^

Pang Movies

Ana angat na angat ang ganda

Vir Gonzales - Pang-masa
Ana angat na angat ang ganda
Ana Roces

MANILA, Philippines — Angat na angat ang ganda ni Ana Roces sa bagong seryeng Pamilya Roces sa GMA-7 kung saan kahati niya sa puso ni Roi Vinzon sina former Ms. Universe Gloria Diaz at Elizabeth Oropesa.

Nag-umpisa nang magbanga­yan ang tatlong babaeng ito sa nasabing serye, pero kamakailan lang ay pinatay na ang karakter ni Ana.

Bagay na bagay rin bilang kanilang mga anak sina Carla Abellana, Gabbi Garcia, Sophie Albert, Jasmine Curtis Smith at Shaira Diaz.

Maganda ang kuwentong ito dahil tungkol sa pamilya, ‘yun nga lang, wala sa kultura nating mga Pilipino ang may maraming asawa. Pero sa kaso naman ni Roi sa Pamilya Roces, siya ay obvious na nambabae, pero sa tatlong ito, si Ana ang kanyang totoong mahal.

Angel ‘di makaiwas sa pagkain

Kung totoong sa February pa ipapalabas ang serye ni Angel Locsin na The General’s Daughter para ipalit sa FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin, baka naman lalo itong tumaba? Kamakailan lang kasi ay sinabing on hold muna ang serye niyang ito dahil nadagdagan ang kanyang timbang at mukhang kailangang mag-diet.

Sa tagal pa ng target date ay mapapakain lalo itong si Angel, siyempre pag naghihintay ka ng gagawin, ‘di mo maiiwasang ‘di kumain.

Marami na ang naghihintay sa pagbabalik ni Angel kaya sana naman ay mapabilis na ang mga dapat niyang gawin sa kanyang sarili.

Maligayang kaarawan!

Birthday greetings to Mrs. Edy Salvador Dela Merced of Poblacion, Baliwag noong October 13 at sa loving husband niyang si Narciso Amag Dela Merced sa October 29 naman.

Happy trip to Mrs. Josie Jimenez at Manoling Varilla and wife Pat at daughter Michel na nasa California, USA ngayon para mag-attend sa wedding ng pamangking si Bo Lajom at kay Alice Vergara ng Pasay City.                                                  

vuukle comment

ANA ROCES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with