^

Pang Movies

Teresa natutong mangisda sa Australia

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Teresa natutong mangisda sa Australia

Hindi itinago ni Teresa Loyzaga sa kanyang feature sa programang Tunay Na Buhay ang mga naging hirap niya noong mag-migrate siya sa Australia noong 2000 at iniwan nito ang kanyang promising showbiz career.

Single parent na si Teresa noon with two kids (Diego Loyzaga and Joseph Dizon) pero ginawa raw niyang iwan ang kanyang buhay dito para matupad ang kahilingan ng ama niyang si Caloy Loyzaga na pumanaw noong 2016.

“With all my credentials, I went and I applied for a job in Australia.

“With my career and everything, I just wanted to fulfill my dad’s wish of the whole family being there, and I wanted to move there,” sey ni Teresa.

Naranasan raw ni Teresa ang magtrabaho bilang isang ordinaryong tao, malayo sa naging buhay niya sa Pilipinas na isang celebrity siya.

“Kama-migrate ko lang, eh. Wala akong anything, so I couldn’t apply sa mga opisina, ganun.

“So, I had to apply, let’s say sales marketing in the streets or retail, or something like that.

“So, we went through the whole process, pero minsan wala, sinu-shoo away kami,” naluluhang pag-alala pa ni Teresa.

May pagkakataon daw na walang kinikitang pera si Teresa at lagi niyang iniisip ay ang kanyang dalawang anak.

Para raw may mapakain siya sa kanyang mga anak, natutong mangisda si Teresa sa Australia.

“Magaling ako mangisda. Maghapon, magdamag kami nangingisda.

“Iuuwi ko ‘yung mga isdang nahuli ko, ‘yun ang papakain ko sa mga anak ko, I’m proud to say that.”

Noong mga panahon na iyon, hindi na raw inisip ni Teresa na dati siyang artista. Nasa isip lang niya ay ang mairaos nilang mag-iina ang araw na iyon na may pagkain sa lamesa.

‘Di nagtagal ay naging isang flight attendant sa Australia si Teresa at doon na nagsimulang bumuti ang buhay nilang mag-anak doon.

Umabot ng 14 years na nagtrabaho si Teresa bilang isang flight attendant sa Qantas airlines, pero ngayon iniwan na niya ito para mag-fulltime na sa pagiging artista ulit sa Pilipinas via the teleserye My Special Tatay sa GMA-7.

Jonas Gaffud inimbitahan si Klea na magsanay bilang beauty queen

Masayang-masaya ang Kapuso star at StarStruck 6 Ultimate Female Survivor na si Klea Pineda dahil nakilala niya ng personal ang tinaguriang Beauty Queen Maker na si Jonas Gaffud.

Si Jonas ang naghubog kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at pati na ang iba pang mga naging runners-up sa Miss Universe na sina Venus Raj, Shamcey Supsup, Janine Tugonon at Ariella Arida.

Si Jonas din ang nag-train kay Miss World 2013 Megan Young at Miss International 2016 Kylie Verzosa.

Kinuwento ni Klea na na-meet niya si Jonas sa O Bar kunsaan nanonood sila ng mga pinsan niya ng drag queen show.

“That night sa O Bar, I was with my cousins and titas. Hindi ko naman alam na nandoon siya, actually tapos na ‘yung show noon ng O Bar, nag-stay na lang kami.

“Paglingon ko sa likod ko, nakita ko si Sir Jonas, nanigas ako, sabi ko ‘Tita, nandiyan si Jonas!’ Sabi niya, ‘Mag-ayos ka, mag-ayos ka!’ Inayusan ako ng tita ko tapos tumayo ako ng maayos.

“May nakakita sa ‘kin na kasama niya sa table, nagkaroon bigla ng aisle sa gitna ng table namin at table nila. Nag-catwalk ‘yung friend nila papunta sa ‘min nang pabalik-balik, hinahamon ako na rumampa.

“Pinatulan ko, go naman ako para mapansin niya hanggang sa umakyat kami ng friend niya sa stage,” masayang kuwento ni Klea.

Binigyan naman daw siya ng magandang payo ni Jonas.

“Nakausap ko siya, actually kilala pala niya ako! Sobrang happy ako na naiiyak, to think na 5AM or 6AM na ‘yon.

“Kinakausap niya ako and sinasabi niya na ‘Huwag mong madaliin, huwag ka mag-rush.’

“Akala niya kasi hindi ako interested sa beauty pageants pero nakikita naman daw niya sa social media accounts ko na interested ako.

“In-invite niya ako at binigyan niya ako ng calling card.

“Masaya, super happy ‘yung morning na ‘yon,” ngiti pa ni Klea.

Isang invitation iyon ni Jonas na mag-train si Klea para sa paghahanda nito sa pagsali sa mga beauty pageant in the future.

vuukle comment

TERESA LOYZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with