Mang Ramon naluha nang mapanood ang trailer ng Tres
Ayon sa First Lady ng Antipolo City na si Andeng Ynares (wife of Mayor Jun Ynares) Salve A., naluha raw ang kanyang daddy na si Agimat King, Ramon Revilla, Sr. nang mapanood ang trailer ng pelikulang Tres ng Revilla Brothers na sina Bryan, Jolo at Luigi na nagsisilbing comeback film ng kanilang produksyon, ang Imus Productions.
Ang Tres ay isang action-trilogy kung saan bida ang tatlong apo ni Don Ramon sa anak na si former Senator Bong Revilla Jr. na kilala rin sa pagiging matinik sa action.
Ang tatlo ay may kanya-kanyang episode sa nasabing pelikula.
Bryan’s episode, titled Virgo kung saan gumaganap siya bilang hit man para hanapin ang pumatay sa kanyang buong pamilya. Virgo is directed by Richard Somes at makakasama niya rito sina Carla Humphries and Joey Marquez.
72 Hours and Amats naman ang kina Jolo at Luigi na parehong idinirek ni Dondon Santos. Makakasama ni Jolo sa kanyang episode sina Rhian Ramos, Lovi Poe and his real-life Mom, Bacoor City Mayor Lani Mercado, playing as his Mom, habang ang kay Luigi naman ay sina Assunta de Rossi at Myrtle Sarroza with Sandino Martin in a special role.
Umaasa si Andeng na papayagan ng doktor ang kanyang tatay na mag-attend sa premiere ng Tres sa September 30 sa Cinema 1 Megamall.
Tres opens in theaters nationwide on October 3, which Cine Screen will release under Star Cinema.
Jessy at Jennylyn manggugulat sa pelikula
Tama ba ang aming narinig na si Jennylyn Mercado ay magkakaroon ng guest role sa pelikula ng Quantum Films/MJM Productions at entry sa Metro Manila Filmfest (MMFF) 2018 na Girl In the Orange Dress?
The film, we all know, co-stars Jericho Rosales and Jessy Mendiola plus Sam Milby, Kit Thompson at Tom Rodriguez.
Well, anyway, ang tanong: may eksenang magkasama sina Jennylyn at Jessy?
It’s on open book that at one time, Luis Manzano, Jessy’s current and ‘one & only’, was once the love of her life ni Jennylyn.
Lito pinag-iisipan pa kung paano ‘papatayin’ sa AP
Parang sigurado na talaga ang muling pagpasok ni former Senator Lito Lapid sa pulitika. Lalo pa nga at sa recent survey ng personalities na may pag-asang mananalo bilang Senador sa darating na May 2019 election ay kasama ang pangalan niya at number 10 siya sa survey.
Pagnagkataon nga at muling manalo si Lito bilang Senador, it’s his fourth time na uupong Senador, since three terms niyang inuupuan ang nabanggit na puwesto bago siya tumakbong Mayor ng Angeles City at natalo.
Ngayon, ang tanong, papano siya mai-aalis sa FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin since major role ang kanyang ginagampanan? Siya kasi ang head ng grupong Vendetta, kung saan kasapi si Cardo, played by Coco.
Matutulad ba siya kay Jolo na ‘pinatay’ ang karakter na ginagampanan habang ipinagtatanggol ang Presidente (played by Rowell Santiago)?
Aware naman ang mga manonood ng Ang Probinsyano na kasama na sa grupo ng Vendetta ang Presidente, who also knows na rin kung sino ang brain para patayin siya at ang kanyang pamilya.
Of Edu Manzano, who now plays the main kontrabida sa mga current episodes ng Ang Probinsyano, walang dudang magaling talaga siya.
Congratulations, Edu, ganun din sa anak niyang si Luis Manzano, dahil one year na palang umeere ang programa niyang I Can See Your Voice and it is still trending.
Congratulations din sa mga bumubuo ng Singvestigators for a job well done as well. At ito ay sina Andrew E., Bayani Agbayani, Kean Cipriano, Angeline Quinto, Wacky Kiray and Alex Gonzaga.
- Latest