Mas pinili ang driver kesa sa ina, Janella hindi na tinatablan ng dasal - Jenine
May bagong isyu ang mag-inang Jenine Desiderio at Janella Salvador at pinost ni Jenine sa Facebook na may kinalaman ang driver ni Janella sa isyu nila. Sabi ni Jenine, three times na niyang nahuli na nangungupit at nagsisinungaling ang driver ng anak, pero ang driver pa rin ang pinaniwalaan ni Janella.
Sabi ni Jenine, “My daughter chose to believe the driver over me” at sa nag-suggest na prayers lang ang katapat para magising si Janella, ang sagot ni Jenine, ayaw tablan ng prayers si Janella. Dagdag pa nito, “dami kse kumakampi bec of that she thinks she’s doing right & i’m wrong.”
Sa conversation ni Jenine with her friends, nakwento rin na twice nang binitin ng driver si Janella at siya (si Jenine) ang sumundo kay Janella sa airport, pero nakiusap pa rin si Janella na bumalik sa pagda-drive sa kanya ang driver.
Sa nag-comment na maging careful na lang siya bilang ina ni Janella, ipa-blotter ang driver at ipa-barangay. Nakalulungkot ang sagot ni Jenine na “I agree. Sadly, she does not agree to all that. She thinks she knows better. She thinks i’m just meddling.”
Ang mahirap dito, hindi na magkasama sa bahay sina Jenine at Janella dahil may sarili nang bahay si Janella at ilang taon na siyang nagsasarili. Mahihirapan si Jenine na tutukan ang anak kahit gustuhin niya.
Mabuti na lang walang project na pinu-promote si Janella, hindi maaapektuhan ang promo ng project nito sa latest isyu sa kanila ng ina.
Andrea na-damage ang spine, naudlot ang ambisyong maging weightlifter
Ang gandang basahin ng post ni Andrea Torres sa pinagdaanan niya habang nagwu-workout, kung saan, nagkaroon siya ng spine injury dahil inabuso raw niya ang kanyang katawan. Kahit puyat dahil nagti-taping ng teleserye, tuloy pa rin ang workout niya dahil na-inspired sa compliments na natatanggap.
Sa nasabing post, inamin din ni Andrea na na-in love siya sa powerlifting at inisip na mag-compete. “At the gym, I was lifting heaviest...more than my weight. I felt on top of the world successfully doing back-to-back squats, deadlifts & benchpresses. I received so much compliments for my form, so much that I was offered to compete. I was already seriously considering competing.”
Naputol lang ang ambisyon ni Andrea na mag-compete sa powerlifting nang magkaroon ng spinal injury. Kung nagkataon, may makikita sana tayong kasunod na Hidilyn Diaz na isa namang weightlifter. Malay natin kung sa pagpupursige ni Andrea, maging champion din siya.
Sa ngayon, sa TV shows, gaya sa Victor Magtanggol na lang muna napapanood ang liksi ni Andrea. Ang husay ni Andrea sa action at fight scenes na ginagawa niya bilang ang diyosang si Sif.
Mas madodoble ang excitement ng Kapuso viewers ng Victor Magtanggol dahil maggi-guest ang mga Sanggre ng Encantadia. Makakasama nina Andrea at Alden Richards sina Kylie Padilla, Sanya Lopez, Gabbi Garcia at Glaiza de Castro.
Pamilya R iba-iba ang pinanggalingan ng mga bida
Sa October 8, na pala ang simula ng airing ng primetime teleserye ng GMA-7 na Pamilya Roces na ang main cast, ang mga pangalan ay isinunod sa gem. Si Joel Lamangan ang director na gustung-gusto ng cast dahil maagang magsimula ng taping at maaga rin ang pack-up.
Nakakatuwa rin ang cast na may homegrown talent ng GMA-7, may galing sa TV5 at may lumipat galing sa ABS-CBN. Walang nababalitaang nag-aaway sa taping. Saka, narito sina Gloria Diaz, Snooky Serna at Elizabeth Oropesa, hindi papayag ang mga ito na mas mag-inarte pa ang batang cast kesa sa kanila.
Dahil malapit na ang airing ng Pamilya Roces, malapit na rin ang presscon nito. Matatanong na si Jasmine Curtis sa pinagdaanan niyang depression, kaya kinailangan niyang magpatulong sa sister niyang si Anne Curtis.
Anyway, ginagampanan ni Jasmine ang role ni Pearl sa Pamilya Roces. First project niya ito sa Kapuso Network mula nang siya’y lumipat at pumirma ng exclusive contract.
- Latest