^

Pang Movies

Kapuso stars may baby boom!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Kapuso stars may baby boom!
Rich Asuncion

May baby boom yata sa mga Kapuso stars. Katatapos lamang magsilang ni Iya Villania-Arellano ng second baby-boy nila ni Drew Arellano. Next month, magsisilang na si Rich Asuncion ng first baby nila ni Benj Mudie. Si Rochelle Pa­ngilinan ay preggy na sa first baby nila ni Arthur Solinap, at ngayon si LJ Reyes naman, preggy na sa kanyang second baby at first baby naman nila ni Paolo Contis.

Yasmien may sepanx na agad

Para sa mga sumusubaybay ng afternoon prime drama series na Hindi Ko Kayang Iwan Ka na mula sa direksyon ni Neil del Rosario, Isang advocaserye ang HKKIK dahil si Yasmien as Thea ay isang HIV positive, pero pinu-promote nila rito na hindi dapat katakutan ang mga taong HIV positive, basta hindi sila hihinto sa pag-inom ng tamang gamot.

Sa Friday, August 31, ay finale na ng serye na kasama rin niya sina Mike Tan, Martin del Rosario, Jackie Rice, Ina Feleo, Gina Alajar at Jackie Lou Blanco, kaya marami nang naghihintay kung paano magwawakas ang story na sinimulan nang mapanood noon pang February, 2018.

May separation anxiety na sila nang mag-last taping day at nagkaiyakan sila sa set. Pero para hindi mahalatang malungkot ang paghihiwa-hiwalay nila, nag-party sila sa set, kantahan, sayawan.

Maine hindi nag-shoot ng Jack Em Popoy para kay Sheena

Natuwa ang fans ni phenomenal star Maine Mendoza nang maki-pose siya sa family ni Sheena Halili at nakitaas din siya ng kamay kay Sheena at sa mommy nito.

Ipinakita ni Sheena ang engagement ring niya, habang ipinakita naman ng mommy ni Sheena ang wedding ring niya, pero si Maine, wala namang suot na singsing sa kanyang left hand ring finger.

Nag-break sa shooting si Maine ng Jack Em Popoy movie nila nina bossing Vic Sotto at Coco Martin for the coming Metro Manila Film Festival sa December para mag-attend ng engagement party ni Sheena sa fiancé nitong si Jeron Manzanero.

RICH ASUNCION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with