^

Pang Movies

Sheena engaged na!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Sheena engaged na!

Maraming netizens ang natuwa sa balitang engaged na ang Kapuso actress na si Sheena Halili.

Si Sheena na lang kasi ang natitirang single sa unang batch ng Starstruck. Ang mga ka-batch na babae ni Sheena na sina Jennylyn Mercado at Katrina Halili ay parehong single parent. Sina Cristine Reyes, Nadine Samonte at Yasmien Kurdi ay married at may mga anak na. Si Jade Lopez naman ay ikakasal na ngayong October.

Dumaan na sa ilang relasyon si Sheena pero nauuwi sa hiwalayan tulad na lang kay Rainier Castillo, Jan Manual, Rocco Nacino at sa singer na si RJ Agustin.

Noong November 2017 ay pinakilala na ni Sheena ang kanyang boyfriend na si Jeron Manzanero.

Nitong nakaraang August 26 ay nag-propose si Jeron kay Sheena sa loob ng isang sinehan sa Greenhills.

Bumulaga sa big screen ang words na Sheena Will You Marry Me?

Makikita sa mukha ni Sheena ang pagka-shock dahil wala siyang alam na ginawa ng kanyang boyfriend na ngayon ay fiancé na niya.

“SIYA ANG PANALANGIN KO #SHEenaSAIDYES #SHEENAbiniyaYES #sheenimo” post pa ni Sheena sa kanyang Instagram account.

Kaya mabilis maiyak, Pauline madaming hugot sa buhay

Kaya naman pala mabilis lumuha ang Kapuso teen actress na si Pauline Mendoza dahil marami pala itong hugot sa buhay.

Only child lang si Pauline dahil noong ipinanganak siya, hindi nag-survive ang kanyang kambal dahil pre-mature ito.

Kaya sobrang nakaka-relate si Pauline sa kuwento ng teleseryeng kinabilangan niya na Kambal Karibal.

Sa edad na 2, lumabas si Pauline sa kanyang unang TV commercial. Noong nag-ramp modeling siya noong maging teenager siya, naging talent na siya ng GMA Artist Center.

“Pangarap ko po talagang maging artista noong bata kasi two years old pa lang po ako nag-start na ako tuwing commercials.

“Pinag-isipan ko talaga siya nang mabuti kasi nu’ng mga times na ‘yun, sobrang mas focused po ako sa school. Pero dumating na lang sa akin na bakit nga hindi ko i-try?,” ngiti pa ni Pauline.

Lumabas si Pauline sa mga Kapuso teleserye na Little Nanay, That’s My Amboy, Alyas Robin Hood, My Love From The Star at Kambal Karibal.

Sa kabila ng mga biyaya na dumating sa career ni Pauline, bigla rin ang pagdating ng isang pagsubok. Noong nakaraang taon, na-diagnose ang ina niya na may stage 3 breast cancer.

Nilihim pa raw kay Pauline ang pagpapaopera ng ina.

“Last year na-diagnose siya with breast cancer. Napansin ko po kasi na parang lagi siyang pumupunta ng hospital, parang lagi niya lang kasama ang friends, papa-checkup daw ang friend niya, ‘yun pala siya na ang chini-checkup.

“Tapos nu’ng nalaman namin na may bukol siya, nagpatanggal siyang mag-isa. Pag-uwi na lang niya, naoperahan na siya,” kuwento pa ni Pauline.

Dumaan din sa chemotherapy ang ina ni Pauline at ay gumagamit na ito ng herbal medicine.

“Kaya namin ‘yun, malalampasan namin and naniniwala ako na gagaling siya,” pahayag pa ng teen actress sa programang Tunay Na Buhay.

Master of comedy ng Broadway na si Neil Simon, pumanaw na

Pumanaw na ang kinilalang “master of comedy” ng Broadway, ang playwright na si Neil Simon.

Complications due to pneumonia ang naging dahilan nang pagpanaw ng 91-year old award-winning playwright na nakilala sa mga sinulat niyang plays na isinapelikula na tulad ng The Odd Couple, Barefoot in the Park, Sweet Charity at Brighton Beach Memoirs.

Sa New York Presbyterian Hospital in Manhattan namaalam si Simon at maraming Broadway actors ang nalungkot dahil malaki ang kinalaman ni Simon sa kanilang acting career.

Kabilang sa mga nalungkot at ang Hollywood actor na si Matthew Broderick, na unang lumabas sa Broadway in 1983 via Simon’s Brighton Beach Memoirs at ang kanyang film debut ay sinulat din ni Simon na Max Dugan Returns.

“I owe him a career. The theater has lost a brilliantly funny, unthinkably wonderful writer. And even after all this time, I feel I have lost a mentor, a father figure, a deep influence in my life and work,” sey ni Broderick.

Naging receipient si Simon ng apat na Tony Awards, isang Pulitzer Prize, The Kennedy Center honors (1995), four Writers Guild of America Awards and an American Comedy Awards Lifetime Achievement honor.

SHEENA HALILI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with