^

Pang Movies

Therese kinilig kay Jasmine

Joe Barrameda - Pang-masa
Therese kinilig kay Jasmine
Therese Malvar

MANILA, Philippines — Pinakitaan na naman ni Therese Malvar ang madla ng kanyang husay sa pag-arte at performance niya sa dalawang pelikulang kinabibilangan niya sa Cinemalaya.

Si Therese ay parte ng pelikulang Distance kung saan gumaganap siyang isang anak na mailap sa kanyang ina, at sa School Service, kung saan kasama naman niya si AiAi delas Alas.

Sa murang edad ay humakot na ito ng iba’t ibang acting awards maging local man o international scene. Malayo pa ang mararating ni Therese dahil hindi siya petiks sa pag-aaral ng kanyang mga roles.

Dahil dito, maging ang mga kapwa niya artista ay bilib sa kanya. Isa lang diyan ay ang fellow Kapuso actress niyang si Jasmine Curtis Smith na iparating ang kanyang paghanga. Nag-direct message si Jasmine sa batang aktres at sinabing, “I don’t know how you keep doing it but keep on rocking all your films!!! I watched your Cinemalaya entry and you stood out so much to me. You always do. I am such a fan. Congratulations.”

Kinilig din ang batang aktres at nagpasalamat kay Jasmine.

vuukle comment

THERESE MALVAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with