^

Pang Movies

Dalawang female star matindi ang kumpetisyon sa stylist

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

May “silent war” pala ang dalawang female celebrities na ito dahil sa nag-aagawan sila sa isang stylist na nagdadamit sa kanila kapag may shows sila.

Imbiyerna si Female Celebrity A (FCA) dahil originally ay sa kanya raw galing ang naturang stylist at pinahiram lang niya ito kay Female Celebrity B (FCB). Ngayon siya pa raw ang walang magamit na stylist kapag kailangan niya.

Wala kasing makatagal na stylist kay FCB dahil sa mga demand nito kaya nagtanong ito kay FCA. Tinawagan naman ni FCA ang stylist niya para tulungan si FCB para sa isang show.

Simula noon, lagi na lang tinatawagan ni FCA ang stylist ni FCB. Dumating pa sa puntong wala nang time ang stylist kay FCA dahil lagi itong kasama ni FCB.

“Ako pa ngayon ang nawalan ng gagamitin na stylist at ako pa ngayon ang kailangan magpaalam sa bruhang ‘yan kapag kailangan ko ang stylist ko na pinahiram ko lang sa kanya! Nakakabuwisit, ‘di ba?

“Ako na itong tumulong, ako pa ngayon ang nawalan ng matinong tauhan dahil sinuwapang na niya!” talak daw ni FCA.

Kinainis daw ng husto ni FCA kay FCB ay naka-schedule na asikasuhin ng naturang stylist ang mga gagamitin na outfit ni FCA para sa isang show. Pero nagulat na lang si FCA na sinama ni FCB ang stylist sa isang out of town event.

“Wala man lang kunsiderasyon ang babaeng ‘yan. Alam naman niyang naka-schedule sa akin ang stylist dahil malaking event ito. Tama ba namang isama niya para asikasuhin daw siya sa pupuntahan niyang party?

“Parang nananadya siya. No wonder walang maituturing na totoong mga kaibigan ang bruhang ‘yan kasi masama ugali niya!

“Mabuti na lang at magaling ang assistant nitong stylist kaya nakaraos kami.

“Pero isa pa ‘yang stylist na ‘yan, mukhang pera kasi sama nang sama sa malditang ‘yon. Dinaan kasi sa pera kaya ayun hindi na ako inaasikaso. To think na ako ang nagbigay ng unang trabaho niya” pagtapos na talak ni FCA.

Neil napapayag ni Sweet na maghubad

Hindi naitago ni John “Sweet” Lapus ang happiness niya nang makapagsimula na ito sa first shooting day ng kanyang directorial debut na Pang MMK.

Isa sa official entries ng Cinema One Originals 2018 ang Pang MMK na si Sweet din ang nagsulat ng script.

Sa kanyang Facebook ay nag-post siya ng mga naganap sa first shooting day bilang isang director:

“Nakakapagod at nakaka-tense, pero gusto ko ‘yung natsa-challenge ako. Kaya fight lang tayo para sa ekonomiya.

“I’m just so happy na ang ganda ng cast ko. Magagaling lahat.

“Wala akong masabi. Parang hindi ako makapaniwala na this is it, may dinidirek na akong movie,” diin ni Sweet.

Ang kuwento ng Pang-MMK ay continuation ng isang episode ng top-rating ABS-CBN 2 drama anthology na Maalaala Mo Kaya na may titulong Origami noong 1999. Mga nagbida rito ay sina Alwyn Uytingco, Nikki Valdez, Cherry Pie Picache at Joel Torre.

Napagsama ulit ni Sweet ang original cast except for Alwyn Uytingco na bida sa isa pang entry ng Cinema One Originals. Dinagdag naman sa cast si Ricky Davao at Zeppi Borromeo.

Ang TV-film-commercial actor na si Neil Coleta ang napiling kapalit ni Alwyn.

Pagnanasaan daw ng maraming beki si Neil sa directorial debut ni Sweet dahil meron itong bed scene at wala raw itong takot na maghubad agad-agad!

Dating contestant ng America’s Next Top Model, laya na sa kasong pagnanakaw

Nakalabas na ng California Institution for Women in Chino, California ang America’s Next Top Model runner-up na si Renee Alway pagkatapos ng limang taon.

Inaresto noong 2013 si Renee sa Palm Springs, California para sa kasong felony burglary, vehicle theft at possessing a firearm.

Naging contestant si Renee sa cycle 8 ng America’s Next Too Model noong 2007. Naging runner-up siya sa winner na si Jaslene Gonzalez.

Sa report ng TMZ, nasentensyahan ng 12 years prison noong December 2014 si Renee after pleading guilty sa mga kinaso sa kanya. Pinagbayad pa siya for damages sa kanyang victims na umabot sa $58,679.58.

Nag-plead guilty din ang former model to a misdemeanor count of identity theft for various crimes in Palm Springs noong June 2013.

Natagpuan itong nagtatago sa garahe ng isang condo na nilooban nila ng isa pang armed man. Nagtawag pa ng SWAT team para mapilitang sumuko ang naturang lalake na inabot ng anim na oras.

vuukle comment

STYLIST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with