^

Pang Movies

Maraming pelikula labanan sa Agosto

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Babaha ng local films ngayong Agosto dahil magkasunod ang showing ng entries para sa Cinemalaya Festival at Pista ng Pelikulang Pilipino 2018 (PPP), huh!

Between the two mo­vie fest, di hamak na mas maingay ang announcement ng PPP entries kumpara sa Cinemalaya. It’s all over the media kung ano ang walong official entries ng PPP pero sa Cinemalaya ay tiklop lang kung anong pelikula ang kasali, huh!

Eh pagdating sa pagkakaroon ng sinehan, take note, sakop ng PPP pati na ang sinehan sa probinsiya samantalang sa Cinemalaya ay selected ci­nemas lang mapapanood ang kasali. Kaya malamang na flop ang karamihan sa pelikula dahil sila-sila lang ang nakaaalam na showing na pala sa entry nila.

Mabuti na lang, masigasig si Chairperson Liza Diño-Esguerra ng Film Development Council of the Philippines sa pagtulong sa promotions ng mga kalahok. May mall shows ang cast ng mga entry at meron din silang parada ng mga Artista.

Eh, hindi rin patatakbuhin ng cast at director ng kada entry kaya winner na winner na naman sa ta­kilya ang PPP 2018!

Janine iba ang naramdaman nang malamang makakasama si Alden

Lumaki si Janine Gutierrez na pinanonood ang telefantasya ng Kapuso Network na Mulawin at Dyesebel. Kaya naman nang mapasama siya sa coming series na Victor Magtanggol ni Alden Richards, nagbunyi talaga ang puso niya, huh!

“Ibang experience kasi ‘yung napapanood mo sa telefantasya na ibang bagay naman ang nakikita mo na hindi nakikita usually sa pang-araw-araw mong buhay at nararamdaman mo na talagang mata-transport ka sa ibang mundo,” pahayag ni Janine.

Isa si Janine sa leading ladies ni Alden sa series eh nang malaman niyang inspired ito sa Norse mythology, lalo siyang na-excite.

“Exciting because it’s a story that I’ve always known so for it to be adapted by GMA para sa mga Kapuso, nakakatuwa na nakikita ko sa Philippine setting itong Norse mythology na talagang alam ko na interesado talaga ang maraming tao tungkol sa superheroes, sa mga myth, sa mga gods,” rason ni Janine.

Batid din ng anak ni Lotlot de Leon at haharapin niyang bashing dahil sa loyal fans nina Alden at Maine Mendoza. Pero sa halip na maapektuhan siya sa mga banat eh pagbubutihin na lang niya ang kanyang trabaho.

After all, meron naman siyang Rayver Cruz sa buhay, huh! So walang rason pala ma-link sila ni Alden!

vuukle comment

CINEMALAYA FESTIVAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with