^

Pang Movies

Anak ni Dulce, bumibida na rin

Veronica Samio - Pang-masa
Anak ni Dulce, bumibida na rin

MANILA, Philippines — Hindi kinailangan ng anak na lalaki ng magaling na singer na si Dulce na gamitin ang impluwensya ng kanyang ina para siya ay sumikat sa mundo na kinabibilangan nito. Unti-unti na itong nagkakapangalan bilang isang stage actor at singer. Katunayan ay kinilala na ito ng Awit Awards sa unang taon ng pagpasok niya sa mundo ng lokal na aliwan.

Marami nga ang nagulat nang i-promote ni Dulce sa It’s Showtime ang Binondo, a Tsinoy Musical na pinagbibidahan daw ng kanyang anak. Sa ilang pagtatanong ay napag-alaman nila na siya pala si David Ezra, dating myembro ng grupong The Filipino Tenors. Dalawang taon nang kumakanta professionally si David na gumaganap ng lead role ni Ah Tiong Bukod sa pangingimbita sa Binondo, a Tsinoy Musical. Hindi na nga kailangang ipromote ni Dulce ang kanyang anak dahil nagagawa na nitong mapasikat ang kanyang sarili sa sarili nitong talento.

Probinsyano nadagdagan na naman ng artista

Maaring nag-aalala lang ang mga suking manonood ng FPJ’s Ang Probinsyano na magtatatlong taon nang umeere sa ABS-CBN sa balitang mayroon nang makakapalit na programa ito na si Judy Ann Santos ang tampok at kung papayagan ng GMA ay si Raymart Santiago ang makakapareha niya. Pero agad itong itinuwid ng ABS-CBN. Hindi pa nila tatapusin ang Probinsiyano at hindi papalitan ng Starla.

Ito nga at may bago na namang karakter at artista na madaragdag sa programa, sina Carmi Martin at Roderick Paulate

vuukle comment

DULCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with