Shamcey suwerte sa negosyo
MANILA, Philippines — Former beauty queen-turned entrepreneur (with businessman husband Lloyd Lee) Shamcey Supsup-Lee (32) is expecting her second baby and it’s going to be a boy this time. Shamcey and Lloyd’s eldest, Nyke (Nyla Kelcey) is turning 3 on January 24. May nakahanda na ring pangalan ang mag-asawa para sa kanilang second baby, Peter Nathan.
Kung malapit nang mag-dalawa ang anak nina Shamcey at Lloyd, lumalago naman ang restaurant business ng couple dahil may pitong branches na ang kanilang Filipino cuisine restaurant, ang Pedro n’ Coi na ang pinakabago ay matatagpuan sa Resorts World Manila. Meron din silang ibang business at kasama na rito ang kanilang Scott Burger making it their 12th business venture.
The couple got married on December 29, 2013 at isinilang naman ang kanilang first baby na si Nyke nung January 24. 2016.
EB mag-aapat na dekada
Sa darating na July 30 ay 39 years na sa ere ang top-rating and longest-running noontime show, ang Eat Bulaga with the troika of Tito, Vic and Joey (Sen. Tito Sotto, Vic Sotto and Joey de Leon as main hosts). Ito’y produced ng Television & Production Exponents, Inc. (TAPE) na pinamumunuan ng dating drummer ng Orly Ilacad & the Ramrods band (combo pa noon)-turned successful businessman na si G. Tony Tuviera.
Nagsimula ang Eat Bulaga sa bakuran ng RPN-9 noong July 30, 1979 to February 17, 1989) na tumagal sa nasabing istasyon ng sampung taon. Mula naman February 18, 1989 hanggang January 27, 1995 lumipat ang program sa bakuran ng ABS-CBN kung saan ito namalagi sa loob ng anim na taon. Pero simula nung January 28, 1995 hanggang ngayon ay nasa bakuran pa rin sila ng GMA making it their 23rd year sa Kapuso Network.
Lahat ng tumapat na programa noon sa Eat Bulaga ay maagang nagpapaalam sa ere dahil hindi sila makahabol sa kasikatan at mataas na rating ng noontime show nina Tito, Vic & Josey.
Naka-ilang attempt man ang ibang programa na tumapat sa Eat Bulaga hindi nag-give-up ang Kapamilya Network sa kanilang sariling noontime program, ang It’s Showtime kung saan ang mga hosts ng programa ay binubuo nina Vice Ganda, Anne Curtis, Karyll, Billy Crawford, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Amy Perez at iba pa.
Malapit nang umabot sa apat na dekada ang Eat Bulaga, making the program the longest-running in Philippine Television.
- Latest