^

Pang Movies

Eric napagkamalang organizer at manager ni Richard!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Eric napagkamalang organizer at manager ni Richard!
Richard at Eric

Ang saya-saya ng group namin na nagpunta sa Canada para sa dalawang Pinoy events doon na in-sponsor-an ng TFC (The Filipino Channel) ng ABS-CBN

Naaliw-aliw kami kay Eric Nicolas na nakasama ni Richard Gutierrez sa Winnipeg at North Vancouver shows.

May isang Pinoy kasi na lumapit kay Eric para magpa-picture.

“Ang galing-galing mo sa show kahapon. Napasaya n’yo lahat ng mga taong nanood. Ikaw ba ang organizer?!” tanong ng Pinoy kaya naloka si Eric.

Hindi pala alam ng nagpa-picture sa kanya na artista siya at ipinadala lang siya ng TFC sa event na ‘yon.

Nang nasa may outlet store naman kami ay may lumapit uli kay Eric.

“Sir, puwede po bang magpa-picture kay Richard?” tanong ng Pinoy kay Eric.

Very accommodating naman ang comedian, kaya ang sabi niya, “Oo, okey lang. Mabait ‘yan, lapitan mo na lang.”

“Thank you, ha! Ikaw ba ang mana­ger?” tanong pa ng Pinoy.

Natawa na lang si Eric dahil noong una, organizer siya at pangalawa naman, ma­nager.

Richard isang buwang ibabakasyon si Sarah at mga anak

As you read this, nakabalik na ng Pilipinas ang grupo nina Richard at Eric.

Bale less than a week lang ay aalis uli si Richard para naman sa bakasyon nila ni Sarah Lahbati at ng mga anak na sina Zion at Baby Kai sa Europe.

Sa Barcelona, Spain muna ang punta nila at saka dederetso sa Sweden para i-meet ang tatay ni Sarah.

Bale one month daw sila mawawala at pagbalik nila ay tutok na siya sa trabaho.

At may TFC event na naman si Richard sa Florida, USA on July 28.

After nun ay mag-start na siya sa isang project na bukas pa lang puwedeng i-reveal.

Pero sabi ni Richard, excited siya sa bagong project na sisimulan dahil may makakasama siya roon na first time niyang makaka-work pero noon pa niya kakilala.

Kim at Xian wala nang balak pagsamahin pa

Speaking of TFC shows, rarat­sada pala si Kim Chui sa ilang shows ng international cable channel ng Kapamilya network.

Pupunta sa Toronto, Ontario, Canada si Kim at may segue pa siya sa New Jersey, USA.

Then deretso na siya sa ASAP sa Hawaii.

Pero siyempre, hindi kasama roon ang rumored-boyfriend niya na si Xian Lim.

Kahit madalas pa ring magkasama sa mga lakaran sina Kim at Xian, pagdating naman sa work ay hindi na sila nagkakasama dahil under Viva Ar­tists Agency na nga ang huli.

Mukhang wala na ngang balak ang Dos na pagsamahin pa ang dalawa sa isang project, huh!

vuukle comment

ERIC NICOLAS

RICHARD GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with