ToFarm entries hindi pa rin makakuha ng mga artista
Nasa proseso pa lang nang pagpili ng mga artistang gaganap sa various roles ang pitong official entries ng 3rd ToFarm Film Festival.
Magsisimula kasi ang naturang festival sa September 12 hanggang 19 ng taong ito. Binigyan ng budget na 1.5 million pesos ang pitong entries na mula sa Harvester International Inc. kunsaan ang president at CEO ay si Dr. Mila How.
Ayon sa festival director na si Bibeth Orteza ay higit na 119 ang entries na natanggap nila, pero dahil ang iba raw ay malayo sa tema ng kanilang festival, hindi na raw nila sinali ang mga iyon.
Ang mga kasama naman sa naging Selection Committee ng naturang festival ay binubuo nila Raquel Villavicencio (chairperson), Krip Yuson, Antoinette Jadaone, Mario Cornejo, and Manny Buising.
Ang mga napiling pitong official entries ay 1957, Alimuom, Fasang, Isang Kuwento ng Gubat (The Leonard Co Story), Lola Igna, Mga Anak Ng Kamote at Sol Searching.
Ilan sa mga directors ay gustong kumuha ng mga mainstream actors para kahit paano ay magkaroon ng star quality ang kanilang proyekto. Pero ang magiging problema ay karamihan ng mga mainstream actors ngayon ay may mga teleserye at mahirap mahanapan ng schedule at baka mahal din ang per shooting day nila.
May iba naman na gustong kumuha ng mga hindi artista o mga taga-teatro para makatipid sila sa binigay na 1.5 million peso budget.
Samantalang may iba na may preferred na mga kilalang mga indie actors para bigyan ng buhay ang characters nila sa kanilang pelikula.
LeBron James umaabot ang outfit sa P2.5 million!
Si LeBron James na yata ang pinaka-stylish at pinakamayaman na basketball player ngayon.
Ang NBA star ng Cleveland Cavaliers ay may net worth na $300 million ayon sa Forbes Magazine.
Ang kanyang annual salary bilang player umaabot sa $70 million.
Ang four-time NBA Most Valuable Player at two-time Olympic Gold Medalist ay may endorsement contracts sa mga malalaking produkto ngayon tulad ng Coca-Cola, Dunkin’ Brands, McDonald’s, Kia Motor, State Farm, Beats by Dre, Samsung at Nike kunsaan meron siyang kontrata worth $90 million!
May mga negosyo rin na pinapatakbo si LeBron tulad ng SpringHill Entertainment at Blaze Pizza na may 17 franchises in Chicago and South Florida.
Kelan lang ay ginulat ni LeBron ang marami dahil sa fashion statement niya sa Game 1 of the NBA final dahil sa pagsuot niya short suits with a grey alligator bag. Ang kanyang short suit ay gawa ni Thom Browne.
May isang netizen na nag-break down kung magkano ang buong suot ni LeBron kasama na ang shades, sapatos, socks, bling at bag. Umabot ito sa $46,964.95 o halos 2.5 million pesos.
- Latest