^

Pang Movies

Piolo busy sa movie nina Maris at Inigo

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Hindi na lang basta endorser ang tawag ng mga product owners at advertisers sa mga taong tumutulong na maibenta ang kanilang produkto dahil ambassador na kung tawagin nila ang mga ito.

Tulad ng naganap sa katatapos na presscon ng My Daily Collagen. Tinawag ni Anna Perez, President and CEO of Global Wellness Enterprise, na siyang distributor ng My Daily Collagen, si Piolo Pascual bilang kanilang ‘brand amassador’.

“A daily intake of My Daily Collagen is what help me look the way I do,” ani Piolo. “Malaking tulong para sa akin ang drink na ito, para I would look and appear, well, the way I do, plus feel healthy – inside and out.”

As what we all know, sobrang busy ni Piolo ngayon. Right now, in fact, mapapanood siya sa dalawang te­leserye, ang Since I Found You at Home Sweetie Home.

Bukod dito ay marami ring advocacy si Piolo. Abala rin siya sa ilang sports. Pero more that these, ama siya kay Iñigo Pascual na isa nang teenager.

Kay Piolo namin nalamang may movie ngang gagawin si Iñigo with his rumored sweetheart, Maris Racal, which Spring Films, the film firm na isa si Piolo sa mga may-ari, together with direk Joyce Bernal and talent manager Erickson Raymundo.

Titled I’m Elenya L, hindi ito ang unang beses na nagkasama sina Iñigo at Mariz sa isang pelikula. They were with several other young Kapamilya ta­lents in The Bloody Crayons.

Sofia hirap makawala sa trauma

Did we hear it right, Salve A., na kaya pala namahinga muna si Sofia Andres sa trabaho ay dahil in-order daw ito ng kanyang personal doctor dahil sa tinatawag na anxiety attack.

Eh, ang anxiety attack pa naman daw ay bigla-bigla na lang umaatake. Lalo na raw if he or she is in an anxious state at wala itong pinipiling lugar, ha.

Nagsimula si Sofia bilang child star. Madalas daw siyang binu-bully sa school ng mga naiinggit na classmates niya dahil maganda nga siya at kumikita na.

Hindi raw naman niya ito maisusumbong sa kanyang mga magulang, sa takot ding pahihintuin siyang mag-artista, o, sa kanyang pag-aaral na pareho niyang ine-enjoy gawin noon.

Well, how sad.

Pelikulang tungkol sa Marawi, kumikita

So far, so good, ang assessment ng mga tao sa likod ng GreatCzar Media Productions, producer ng showing na ngayong pelikula ng Ang Misyon: A Marawi Siege Story.

Masaya ang director ng pelikula na si Cesar Soriano na ang pangunahing layunin ay magbigay-pugay sa government forces, lalo na sa mga nagbuwis ng buhay para sa liberation ng Marawi from the Maute-ISIS terrorists.

Ang pelikula ay pinagbibidahan ni Martin Escudero, na gumaganap bilang Muslim nurse na na-involve sa battle ng Marawi.

Aminado ang aktor na malaking challenge ang nasabing pelikula. He really had to prapare for it at talagang pinag-aralan niya ang kultura ng mga Muslim kahit sagradong Katoliko raw siya at ang kanyang pamilya.

Maliban kay Martin, tampok din sa movie sina Rez Cortez, Lou Veloso, Jordan Castillo at Tanya Gomez, among others. Introducing si Juan Miguel Soriano na importante ang role.

ABS-CBN Films’ CineScreen distributed the movie, which opened in theaters nationwide last May 30.

ANNA PEREZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with