^

Pang Movies

Alden mainit na tinanggap ng mga taga-Pangasinan

Joe Barameda - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kasabay ng init ng panahon ang init ng naging pagtanggap ng Dagupan kay Alden Richards, at hindi napantayan ang pagpapasayang ginawa niya sa mga Kapusong Pangasinense.

Hindi ininda ni Alden ang nakakapasong init dahil kapalit nito ay ang tuwa ng mga Kapusong naghintay sa kanya buong maghapon.

Sa ikalawang pagkakataon na nakarating si Alden sa Dagupan ay ipinagpasalamat niya ang pagdumog ng tao sa Capitol Plaza, at masaya siyang napili bilang isa sa mga magpapakulay ng Pistay Dayat.

Samantala, tuloy na tuloy na ang album ni Alden dahil tapos na ang music video niya para sa revival niya ng OPM classic na I Will Be Here.

Gabby, naglantad na

Pasabog ang ginawang revelation ng versatile Kapuso actor na si Gabby Eigenmann sa totoong pagkatao ng kanyang karakter na si Vito sa Afternoon Prime soap na Contessa.

Ikinagulat ng avid viewers ng serye ang episode kamakailan kung saan napanood nila si Gabby na nakadamit babae at may make up pa! Ito pala ang itinatagong lihim ni Vito na may relasyon sa kanyang kanang-kamay na si Winston (Phytos Ramirez). Kaloka! Kayang-kaya talaga ni Gabby na magshift ng kanyang character dahil mula sa pagiging all-out gay ay kaya rin niyang maging isang maangas na kontrabida!

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with