Reyna ng Aliwan kokoronahan!
MANILA, Philippines — Inaasahang higit na mag-iinit ang labanan sa taunang selebrasyon ng Aliwan Fiesta sa paglahok ng 20 naggagandahang dilag sa timpalak ng Reyna ng Aliwan, na gaganapin ang coronation night ngayong April 28.
Inilahad na ng Manila Broadcasting Company ang listahan ng mga kalahok sa taong ito, na suportado muli ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas at mga lungsod ng Maynila at Pasay.
Mula sa Luzon sina Karla O’Hara; Chanel Mistyca Corpuz; Joy Mayanne Barcoma; Lady Justerinnie Santos; Micaela Manuel; Radhell Berbon; Ella Mariz Cayabyab; Ashanti Shane Ervas; at si Maristela Santiago.
Hindi magpapaawat ang mga Bisaya na sina Joyce Marie Sebio, Keziah Bartolome, Shaila Mae Rebortera, at Chelsea Fernandez.
Mula sa Mindanao sina Arl Banquerigo; Sharifa Mangatong Areef Mohammad Omar Akeel; Novie Shane Leonerio; Elizabeth Bills; Chrislyn Jabonero; Jackie Ruth Urongan; Bianca Iraham.
Ang magwawagi bilang Festival Queen ng Aliwan Fiesta 2018 ay mag-uuwi ng isandaang libong piso (P100,000) at tropeo, bukod sa pagiging ambassadress of goodwill ng turismo.
- Latest