^

Pang Movies

Aga at Alice wala raw iniwang sabit!

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Aga at Alice wala raw iniwang sabit!
Alice Dixson at Aga Muhlach

Kaya pala Salve A., wala si direk Veronica Velasco na kasamang nagdirek ni Pablo Biglang-awa ng film version ng Single/Single: Love Is Not Enough, still starring Shaina Magdayao at Matteo Guidicilli, na siya ring mga pangunahing stars ng hit cable mini series version nito, ay dahil nasa Greenland, Denmark siya, directing the movie, titled Greenland, starring together Aga Muhlach at Alice Dixson.

Earlier, napabalitang si Bb. Joyce Bernal ang direktor ng Greenland, since balita rin ngang ang producer ng pelikula ay ang Spring Films na pagmamay-ari ni direk Joyce, Piolo Pascual at talent manager, Erickson Raymundo.

Spring Films ang nag-produced ng super box office hit movie last year, ang Kita Kita, na pinagbidahan nina Empoy Marquez  at Alessandra de Rossi.

The production staff and cast of Greenland are expected back mid-May.

Kung madalas ay napapanod pa rin si Alice sa ongoing series na Ang Probinsyano, kung saan gumaganap siya bilang ambitious wife to a corrupt politician na ginagampanan naman ni Edu Manzano, it’s because nag-tape siya in advance for her role in the series.

She feels grateful na naging cooperative ang mga madalas maka-eksena niya, na bukod kay Edu ay kabilang din sina Yassi Pressman at JC Santos.

Of Aga, sinigurado niya munang tapos ang lahat ng commitments niya at business bago siya tumulak patungong Greenland. Sa kanya namang pag-uwi ay agad siyang maghahanda para sa kanyang next film assignment, co-starring him with Bea Alonzo and with direk Paul Soriano.

Onyok, balik TV na!

Pagkatapos biglang mawala ng kanyang karakter bilang sidekick ni Coco Martin sa top action series, FPJ’s Ang Probinsyano, nagbabalik na ulit si Onyok Pineda sa TV!

Kabilang si Onyok sa sampung kabataang tampok sa bagong season ng Your Face Sounds Familiar, na tulad ni Onyok ay pawang mga child stars ng Kapamilya Network.

Ito pa ang iba pang makakasama ni Onyok sa Your Face Sounds… sina Marco Masa, Chun-Sa, Sheena Belarmino, Kristel Brimer, Nole Comia, Jr., Francis Concepcion, Mackie Empuerto at Keifer Sanchez.

Ang maganda sa pagsali ng mga batang ito ay walang mai-elimanate sa kanila sa buong episodes ng show. If at all, ang makakakuha ng mataas na puntos ay uuwing may cash prize, na ang kalahati ay mapupunta sa kanyang favorite charity.

Honeymoon nina Billy at Coleen, naantala 

Dapat sana ay nasa honeymoon period pa sina Billy Crawford at Coleen Garcia.

Pero, heto at back to work si Billy bilang host ng Your Face Sounds familiar na magsisimula na sa May 5

Kung dati ay sina Georcelle Dapat-Sy at  Annie of the singing group, The Company ang nagsilbing mga hurado sa mga batang participants, this year naman ay sina Nyoy Volante at Jed Madela ang itinoka.

Jurors muli naman sina Gary Valenciano, Ogie Alcasid at Sharon Cuneta.

vuukle comment

AGA MUHLACH

ALICE DIXON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with