^

Pang Movies

Cristina ayaw nang balikan ang bubblegum songs!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Cristina ayaw nang balikan ang bubblegum songs!
Cristina Gonzalez-Romualdez

Natatawa na lang si Tacloban Mayor and former ‘80s sex siren na si Cristina Gonzalez-Romualdez kapag pinipilit siyang i-revive ang kanyang singing career.

Nakilala kasi noon si Mayor Cristina bilang Kring-Kring Gonzalez noong mid-‘80s at naglabas ito ng dalawang albums sa ilalim ng recording outfit nila na G. Records.

Bago ang albums, naglabas muna ng dalawang OPM singles on 45 rpm si Kring-Kring kung saan ni-record niya ang songs na Mahal Kita at Kaila­ngan Kita.

Kung tawagin noon ang mga songs ni Kring-Kring ay bubblegum songs o mga awitin na pagpapa-cute lang at tungkol sa first love at ang feeling na kinikilig.

Naging hit ang self-titled album na iyon ni Kring-Kring at naging hit din ang singles niyang Hey Boy, Forget About Him and Opposites Attract. Nasundan ito ng second album titled Handang Umibig at naging big hit ang carrier single na ito.

“Naku, huwag na ako. Nakalimutan ko na ‘yang chapter ng buhay kong iyan. That was the old me, iba na ang buhay natin ngayon.

“Suportahan na lang ninyo ang daughter namin ni Alfred (Romualdez) na si Sofia. She loves singing and writing songs. May pinagmanahan naman, ‘di ba?” ngiti pa ni Mayor Cristina.

Ni-launch nga ang unang single ni Sofia Romualdez sa ilalim ng Viva Records na Thinking Of U sa Manila Polo Club. Nagkaroon ng mini-concert si Sofia at impressed sa kanya ang mga invited media people.

Pagkatapos na i-drop ang dalawang singles niya, sunod na ang full album na ilu-launch soon.

Millennial ang music ni Sofia at ito ang tipong magugustuhan ng mga kaedad niya na mahilig mag-download ng music sa mga music streaming apps.

Malinaw ang gusto ni Sofia sa kanyang recording career. Hindi raw niya hinahangad ang maging isang star, gusto lang daw niyang kumanta, gumawa ng kanta at ma-enjoy ng marami ang music na io-offer niya.

Direk Joel sumabak uli sa ‘pulitika’

Noong nakaraang taon, unang sumubok ang award-winning filmmaker na si Joel Lamangan na magdirek ng una niyang stage musical na Maynila: Sa Mga Kuko Ng Liwanag na hango sa 1975 film of the same title na dinirek ni Lino Brocka.

Muling na-inspire si Direk Joel na magdirek ulit ng musical at nataon na dumating ang Binondo: A Tsinoy Musical na hango naman sa buhay ng producer ng naturang musical na si Rebecca Chuaunsu.

At tulad ng mga pelikula ni Direk Joel, may political theme ang naturang musical na naka-set sa pre-Martial Law in Manila.

Ang sumulat ng Binondo: A Tsinoy Musical ay si Ricky Lee kasama sina Gershom Chua at Eljay Deldoc. Ang original music ay si Von de Guzman at choreography by Douglas Nierras.

Gaganap bilang Lily ay sina Sheila Valderrama-Martinez at Carla Guevara-Laforteza. Sa role na Ah Tiong ay sina Arman Ferrer at David Ezra. Sa papel na Carlos, nakuha sina Floyd Tena at Noel Rayos.

Kasama rin sa cast sina Ima Castro, Mariella Laurel, Lorenz Martinez, Tuesday Vargas, Ana Feleo, James Pebangco, Khalil Kaimo, Ashlee Factor, Kaye Balajadia, Jennifer Villegas, Dondi Ong, Elizabeth Chua, Russell Magno, Elrica Laguardia, Rhapsody, Jonel Mojica, Philip Deles and Ivana Villanueva.

Itatanghal ang Binondo: A Tsinoy Musical sa Theater @ Solaire on June 29, June 30, July 1, July 6, July 7 and 8. For tickets, call TicketWorld (891-9999).

Singer na si Carrie Underwood, nag-iba na ang hitsura matapos ang 40-50 stitches sa mukha!

Nagbigay ng update ang American Idol winner na si Carrie Underwood tungkol sa kanyang healing process.

Sa kanyang website, sinabi ni Carrie na “healing pretty nicely” ang bahagi ng mukha niya na dumaan sa isang major surgery noong maaksidente siya sa kanyang sariling pamamahay.

Nabanggit din ni Carrie na huwag magulat ang kanyang mga fans kung medyo iba na ang maging hitsura niya pagkatapos niyang makatanggap ng 40 to 50 stitches sa kanyang mukha.

Samantala, pinasalamatan naman ni Carrie ang kanyang fans na sumuporta sa bagong single niya na The Champion.

CRISTINA GONZALEZ ROMUALDEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with