^

Pang Movies

K-Pop Singer, nagpakamatay?!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
K-Pop Singer, nagpakamatay?!

Kim Jonghyun

Korean pop star na si Kim Jonghyun ng grupong SHINee nagpakamatay?

Ito ang mainit na pinag-uusapan sa social media kahapon matapos matagpuang walang malay ang Korean K-pop singer na si Kim Jonghyun ng kanyang kapatid sa kanilang bahay sa  South Korea kahapon ng 6:00 p.m.

Hanggang kagabi ay wala pang confirmation kung ano talagang cause of death ng sikat na K-pop vocalist. Umiiyak ang K-pop fans sa pagpanaw ni Kim Jonghyun na isang magaling na singer, composer and producer.

Twenty seven lang si Kim.

Nagluluksa rin ang Pinoy K-pop fans sa pagkawala ni Kim Jonghyun.

Ms. Cathy Valencia at Diether Ocampo

Bukod pa sa pa-mercedes benz at condo Diether Ocampo jackpot sa gf, nag-tour sa Europe at Asian countries

Naudlot pala ang pagiging Kapuso ni Diether Ocampo.

Dagdag na kuwento ng source ko, nang bigyan daw kasi ito ng trabaho ay laging nali-late sa mga ta­ping. As in diumano ay naging unprofessional na.

Ang rason, nag-tour daw kasi ang actor kasama ang girlfriend na si Ms. Cathy Valencia na may-ari ng isang beauty clinic sa Europe at Asian countries kaya hindi nito nasisipot ang mga commitment.

Kaya ang ending, naudlot daw ang iba pang mga plano ng GMA 7 kay Diether na matagal-tagal na ring nawawala sa eksena.

Lumabas sa Pilipino Star Ngayon ang isyung si Ms. Valencia ang girlfriend nito at diumano’y niregaluhan nito ang aktor ng Mercedes Benz at condo unit.

Wala pang reaction ang dalawa sa nasabing isyu.

vuukle comment

K-POP SINGER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with