Megan tuloy ang pag-iwan kay Mikael para sa international career!
Pagkatapos ng showing ng movie nila ni AiAi delas Alas na Our Mighty Yaya ay bound to New York naman si Megan Young ngayong July para i-pursue ang kanyang international career. “I’ll be going there for the agency that I signed up,” she said.
Matatandaang pumirma si Megan sa Innovative Artists Agency sa New York kamakailan para sa kanyang international career. Pero ang lagi nga raw niyang sinasabi, alam niyang hindi magiging madali ang lahat since para siyang magsisimula ulit ng panibago roon.
“’Yung pag-sign ko sa agency sa New York, don’t expect anything, just wish the best for me and pray for me kasi I’m really starting at zero and I really want to work my way to where I want to be.
“Hindi naman ako kilala ng mga tao ro’n, so, kailangang pagtrabahuhan ko ‘yon.
“So, pagdating ko do’n, magwu-workshop ako, I need to do workshops in English also parang acting in English kasi sanay ako na Tagalog or Taglish.
“So, marami pang proseso ang kailangan pang daanan,” pahayag ni Miss World 2013.
So, mukhang malayo pa talaga sa isip nila ng boyfriend na si Mikael Daez ang pagpapakasal?
“You know, we’ve talked about it recently and it’s just probably not the right time for us right now and you know, we’re both adults so, you know, it’s not something that isn’t new to us to talk about and we get our families involved when we talk about it also,” sey ni Megan.
Pero siyempre, hoping siya na si Mikael na nga ang right man for her.
“I hope Mikael is the final one for me. I always hope that and in my heart, he is,” sambit pa ni Megan.
Samantala, showing na sa May 10 ang Our Mighty Yaya kung saan ay ginagampanan ni Megan ang papel ng young wife ni Zoren Legaspi na may mga anak sa unang asawa.
Jennylyn hindi nalulutuan ang anak
Dahil sa sobrang hectic ng schedule, hindi na magawa ni Jennylyn Mercado ang magluto sa bahay tulad ng ginagawa niya before. Pati nga ang hobby niyang pagbi-bake ng cupcakes ay hindi na rin daw niya nagagawa.
“Wala nang oras, eh. Nami-miss ko nga pero wala naman akong choice, eh,” sey ni Jen.
Siyempre nga naman, kailangan niyang unahin ang work para sa future ng anak niyang si Alex Jazz.
Kaya ‘pag may special occasion daw sila, lumalabas na lang sila para kumain unless may oras siya talaga para magluto.
“Pero bihirang-bihira na,” sambit pa ni Jen.
Ang lagi lang naman daw request ni Jazz ay matamis na adobo na all time favorite dish nito.
Kaya nga at least, sa pamamagitan ng kanyang cooking show na Everyday Sarap with CDO na magsisimula na ngayong Lunes, May 1 sa GMA News TV, nakakapagluto pa rin siya.
Samantala, bukod sa nasabing cooking show, malapit na ring iere ang Pinoy version ng My Love From The Star na pinagsasamahan nila ni Gil Cuerva.
Bukod dito, magsisimula na rin siya ng mo vie under Reality Films na hindi pa rin niya pwedeng sabihin ang detalye at basta’t may transformation daw na magaganap.
“Parang psycho-thriller siya, horror na isu-showing sa November,” sey niya.
Lilipad ba siya sa pelikulang ito?
“Hindi po, lilipad kami sa Quantum,” paiwas niyang sagot.
May gagawin din kasing movie si Jen sa Quantum Films na pang-Metro Manila Film Festival (MMFF) kung saan ay makakapareha niya ulit si Jericho Rosales at sa direksyon ulit ni Dan Villegas.
“Pero nakakatuwa po sa Reality, kasi mayroon silang set, parang mayroon silang 2,000 square meters, hindi ako sure, may set na kami,” sey pa ni Jen.
So, abangan na lang natin kung ano ang transformation na ito ni Jen sa Reality Films na ididirihe naman ni Erik Matti.
- Latest