^

Pang Movies

Janine Tugonon hirap marating ang super model status

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Matapos maghubad para sa isang kalendaryo na harang ang presyo, susubukan ni Janine Tugonon sa New York ang suwerte niya sa modeling.

Si Janine ang first runner-up sa Miss Universe noong 2012 at nag-migrate siya sa California dahil dream niya na maging international model.

Natupad naman ang pangarap ni Janine pero hindi pa nito nararating ang super model status.

Bawal sa mga kandidata ng Bb. Pilipinas ang mga sexy pictorial pero sa kaso ni Janine, nagbuyangyang siya ng hubad na katawan matapos ipasa sa iba ang korona ng Miss Universe Philippines.

Konserbatibo ang Bb. Pilipinas Charities, Inc. kaya sure ako na hindi sila happy sa paghuhubad ni Janine para sa isang overpriced na kalendaryo.

Lani umayaw sa birthday party

Isang madamdamin na birthday message ang isinulat ni Bong Revilla, Jr. para sa kanyang misis, si Bacoor City Mayor Lani Mercado na nagdiwang ng 49th birthday noong April 13.

Walang big celebration si Lani dahil nataon na Huwebes Santo ang kaarawan niya pero magkasama sila ni Bong sa PNP Custodial Center  ng Camp Crame.

Ito ang mensahe ni Bong para sa kanyang ever supportive wife.

“Another year has passed Mama. Another year of not being able to spend my life with you and the kids, another year of being away, and another year of missed milestones.

“Despite this Mama, always know that I love you and I cherish you. Paulit-ulit ko mang sabihin, hindi ako magsasawang ipagsigawan sa lahat na ako na ang pinaka-swerteng lalaki dahil ikaw ang ibinigay ng Diyos sa akin.

“I would not have remained strong if not for you. Ang tibay mo ang nagpapatibay sa akin at sa ating pamilya. Your love and care takes away the concerns and uneasiness.

“Ang pagmamahal mo sa akin at sa ating mga anak ay inspirasyon na nagbibigay sa akin ng pag-asa. Kaya naman napakasuwerte rin ng Bacoor dahil mayroon silang Mayor na nag-aalaga at nagmamahal sa kanila tulad ng pag-alaga mo sa amin.

“Napakarami mo nang nagawa sa napakaikling panahon, at higit pang dumarami ang mga buhay na nahahaplos mo. Your love has no limits and I can only wish that your love continues to grow. Happy happy birthday Mama. I love you!!!”

Papa Erap wala sa hitsura na 80 na

Ang makalaya si Bong ang one and only birthday wish ni Lani.

Sa June 2017, tatlong taon nang nakakulong si Bong at ang kanyang kaibigan, si former Senator Jing­ goy Estrada kaya ang magkaroon na sila ng freedom ang dasal ni Lani.

Ipagdiriwang ni Manila City Mayor Joseph Estrada sa April 19 ang kanyang 80th birthday.

Knowing Papa Erap, ang makalaya na rin ang kanyang anak na si Jinggoy  ang sure na isa sa mga birthday wish niya.

In all fairness, wala sa hitsura ni Papa Erap na turning 80 years old na ito dahil bagets looking siya.

At dahil 80 years old na si Papa Erap, tiyak na malaki ang birthday celebration na inihahanda ng pamilya niya at ng kanyang constituents sa Manila.

vuukle comment

JANINE TUGONON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with