Kim at Meg, iisang nota ang pinag-aawayan!
Pa-goodbye na sa ere ang isa sa top-rating series sa GMA-7, ang Pinulot Ka Lang Sa Lupa na tampok ang magagaling na artista gaya ni LJ Reyes na may malditang karakter, Julie Anne San Jose, ang bidang iyakin sa serye, Benjamin Alvez, Victor Neri, Ara Mina, Jean Garcia at marami pang iba.
Ok naman ang takbo ng kwento kahit ‘di mo minsan maiwasan na ‘di mainis at magalit dahil may mga eksena or ginagawa na feel mo ay mali at hindi mangyayari, kahit pa in real life o sa TV lang.
Dapat kasi ay posibleng mangyari ang istorya. At syempre papalag ka kapag alam mo na ‘yung napanood mo sa TV show ay hindi nangyayari sa tunay na buhay, take note, matatalino na po ang mga home viewers na siyang kritiko ng inyong trabaho, anyways patapos na ito kaya congratulations na rin!
Sapawan kaya sila ng bagong show?
Ang D’ Originals ang bagong TV series na siya namang kapalit ng Pinulot Ka Lang Sa Lupa. Heavy ang cast ng D’ Originals at sa direksyon ng one of the best man behind the camera, si Adolf Alix, Jr.
Matagal ding hindi pinag-usapan si Meg Imperial, pero ngayon ay mapapanood na siya sa nasabing afternoon prime bilang isang kabit.
Ano ba ‘yan, talaga yatang naging favorite na sa TV series ang salitang kabit! Kabit si Meg ng asawa ni Kim Domingo, naku, tiyak na bakbakan ang dalawa sa pag-aawayan nila na nota, ganyan din kasi sa serye ng Kapuso na Ika-6 Na Utos, agawan sina Ryza Cenon at Sunshine Dizon sa sandata ni Gabby Concepcion.
Sabagay, kahit in real life, magnanasa ka sa isang Gabby Concepcion dahil siya ay pogi, makinis, mabango, at makisig. Kahit oldie na yummy pa rin!
Mga pasyente dapat 24 oras na welcome sa ospital
Maraming big project sa bayan ng Sta. Rosa Laguna ang butihing pinuno ng bayan, si Mayor Dan Fernandez. Isa ang Sta. Rosa sa pinakamaunlad na siyudad sa Province of Laguna.
Nabalitaan namin na isa sa gagawing progressive barangay ang Aplaya kung saan may mga pagbabagong gagawin ang gobyerno ni Dan at magbibigay ng pagkakakitaan ang mamamayan. Isa sa mga idinadasal ng mga tao at mga lehitimong taga-Sta. Rosa ay ang kaayusan ng Community Hospital.
Sana raw po Mayor Dan, dapat po day and night lalo’t emergency, welcome dapat lahat ng pasyente, ang mga may sakit dapat sagipin sa bungad palang ay salubungin agad ang pasyente lalo’t kritikal ang lagay, save life ika nga.
At sana rin daw po ay laging may naka-duty na doctor. ‘Yun lang po! Mabuhay ka Mayor Dan Fernandez, Vice Mayor Arnold Arcillas, mga konsehales at iba pang opisyal na nakapaligid sa konseho ninyo.
Buwan na ng tuli...
April na po, buwan na ng tuli!
Magpatuli na ang mga supot pa para macho look. Dito po sa Generika sa Golden City, invited ang lahat ng gustong magpatuli sa April 24. ‘Wag supot para ‘di mabantot! ‘Yun lang!
- Latest