^

Pang Movies

Pia nilantad ang bundat na tiyan

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Nakisabay si Pia Guanio sa mga kilalang showbiz personality na nag-post ng sexy buntis photo. Ilan sa artistang nagpakuha ng picture nung kabuntisan ay sina Marian Rivera, Gorgina Wilson at Rufa Mae Quinto.

Kararating lang mula bakasyon sa Amampulo, Palawan ang Eat Bulaga host kasama ang asawa’t anak. Bale second baby na nila ni Steve Mago ang ipinagbubuntis ni Pia.

Kuha ng asawang si Steve ang black and white photo ng TV host sa harapan ng dagat habang ang isa naman ay nakaupo siya sa buhanginan. “Hot pregger wife” ang caption ni Steve sa asawa.

Ang panganay nina Steve at Pia na si Scarlet Jenine ay maglilimang taon na sa August 12.

Thea gustong sabayan si Maine

Umamin na ang Kapuso actress na si Thea Tolentino na halos four years na ang relasyon nila ni Mikoy Morales.  Wala na siyang takot aminin ang kasabayan niya sa talent search na Protégé.

Si Thea ang bagong character na papasok sa Destined To Be Yours. Lalabas siya bilang ex-girlfriend ni Alden Richards.

“Ang hyper ni Maine (Mendoza). Gusto ko rin siyempreng makipagsabayan sa pagiging hyper niya,” saad ni Thea nang ipakausap sa press.

Simple lang ang naging unang eksena nila ni Meng. “Nagtitigan lang kami. Parang Nora-Vilma! Kami ang susunod! Charot!

“Makulit siya. Nang magpa-picture ako sa set, nasa likod ko pala si Maine. Ang kulit niya pero ang saya niya!” kuwento pa ni Thea.

Ambisyosong pelikula patung-patong ang problema!

Malaki pa pala ang problema ng isang maambisyosong pelikula. Hindi pa pala nito nalalampasan ang ilang legal matters kaugnay ng kuwento ng movie ayon sa aming source.

Bukod sa problemang legalidad, nariyan din ang kawalan ng funding nito. May schedule kasi ng shooting nito sa ibang bansa.

Balitang nagpalibre na nga sa talent fee ang main lead. Eh wala pa kaming nakikitang posts sa social media ng bida na nagsimula na siya ng shooting.

Highly-celebrated case kasi ang kuwento ng movie kaya hindi basta-basta ‘yon mababalewala, huh!

 

vuukle comment

PIA GUANIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with