^

Pang Movies

Albert Martinez hindi nagpaparamdam

YSTAR - Baby E - Pang-masa

How time flies, Salve A., dalawang taon na pala simula nang binawian ng buhay si Liezl Martinez, asawa ng aktor na si Albert Martinez.

Nanatiling loveless daw ang aktor na si Albert ayon sa kanyang friends.

Wala rin siya sa showbiz scene simula nang namatay ang kanyang karakter bilang isa sa pangunahing kontrabida sa serye ni Coco Martin na FPJ’s Ang Pro­binsyano.

If we heard it right, nag-asawa na sa kanyang boyfriend na isang top photographer ang kanilang panganay ni Liezl na si Alyanna.

May trabaho naman ang kanilang bunsong si Alyssa.

Ang kanya namang second child na si Alfonso, na nag-iisang lalaki ay ang tumi­tingin sa kanilang Lola Nena (Amalia Fuentes) na hanggang ngayon ay balitang bedridden pa rin.

Tweety hindi mukhang 50

Naaalala n’yo pa ba si Tweety de Leon, noong panahong sikat na sikat pa siya bilang commercial at ramp model?

Sumubok din sa acting si Tweety at naging leading lady siya ni Vic Sotto sa comedy-fantasy series na Okay Ka, Fairy Ko.

Happily married ngayon si Tweety sa lalaking engaged sa construction business. Tatlo na rin ang kanyang anak na ang panganay ay nakatapos na ng college.

Katu-turn 50 lang ni Tweety na related sa De Leons ng LVN Pictures.

Hindi masyadong matanda tingnan si Tweety dahil sa kanyang pagkain ng tama, tamang exercise, self rest and others.

Salamat din daw sa Organique Acai Berry, isang health supplement na kanyang iniendorso.

Introduced ito in the Philippines ng Cebu based couple na sina Elton at Cathy Salimbangon.

Mabibili ito sa leading drugstores at supermarket sa bansa.

Maine at Sef hindi tinatantanan

Meron nga kayang something more that meets the eye between top GMA 7 talents na sina Maine Mendoza at Sef Cadayona?

Well, nagtatanong lang.

Both are in the news, since in the case of Sef, who at one time ay nabalitang nakarelasyon ng leading lady ni Coco Martin na si Yassi Pressman, nagti-trending din ang series na kasama siya, ang Meant To Be na pinagbibidahan ni Barbie Forteza.

Si Maine naman ay ang sikat na katambal ni Alden Richards at kasalukuyan din pinalalabas ang series na Destined to be Yours.

No wonder kung bakit in demand na endorser si Maine ng iba’t ibang produkto, ang latest ay ang CDO Funtastyk Young Pork Tocino, na ngayon ay considered na top-selling tocino sa supermarkets.

Special guest pa nga ang 20 fans ni Maine sa kanyang katatapos na birthday, sila ‘yung mga fans na winners sa isang contest conducted by CDO Funtastyk Pork Tocino.

vuukle comment

LIEZL MARTINEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with