Karla binigyan ng pang-outfit si Noven!
How generous naman ni Karla Estrada, Salve A., who reportedly gave raw first Tawag Ng Tanghalan (TNT) It’s Showtime champ Noven Belleza, a check of an undisclosed amount, para nga may maipambili ito ng kanyang mga gagamitin, lalo na ng mga damit na isusuot niya sa several guestings sa iba’t ibang programa ng ABS-CBN.
Bagama’t nakatanggap nga si Noven ng cash prize of P2 million, bukod pa sa ibang prizes na kanya pang matatanggap, kasama na ang house and lot, P100,000 worth of music instruments, plus negosyo package, hindi rin niya agarang mae-encash ang nabanggit na premyo dahil sa kanyang kaabalahan.
Halatang pinakamasaya si Karla, na kasama sa board of jurors, sa pagkapanalo ng magasasaka mula sa Negros Occidental.
Well, as happy as everyone na nagnanais na manalo si Noven.
Kaya lang, sana ipagpatuloy ng pamilya ni Noven ang pagsasaka. Lalo pa nga at matutupad na ang pangarap niyang mabawi ang lupang, ayon sa kanya ay kinailangang isanla dahil sa matinding pangangailangan. Everyone will agree that we need good farmers.
‘Di ba, Salve A.?
Yong ’di natupad ang pangarap
In the case of Yong Mujahil, sayang at ‘di natupad ang hangarin niyang manalo bilang big winner sa katatapos na Pinoy Big Brother (PBB) Lucky Seven. Although, ‘di naman siya umuwing luhaan, since he placed third kina Maymay Entrata at Kisses Delavin.
Fourth placer naman ang guwapong German national na si Edward Barbers.
From the start of the contest, consistent si Yong sa kanyang declaration na kaya niya pinilit mapasali sa PBB ay dahil kapag napalunan niya ang malalaking premyo, which include a cash prize of P1 million, plus a house and lot, malaking tulong ito sa kanyang pamilya.
Isa si Yong sa 14 na magkakapatid, at balo naman ang kanyang ina. Ito nga raw ang dahilan kung bakit sa edad na 17, ay nasa Grade 9 lang siya.
Kinailangan daw niyang huminto pansamantala ng pag-aaral, para masuportahan ang iba niyang kapatid.
May hitsura at wari mo’y ‘di marunong magalit, simple lang ang pangarap ni Yong, ngayong wala na siya sa Bahay Ni Kuya. Bukod sa gusto niyang eventually ay makatapos ng isang kursong maipagmamalaki niya, type niyang mapabilang sa grupo ng dance group na #Hashtags.
Two of the former housemates na nakasabayan niya sa PBB ay parehong #Hashtags members. Ito’y sina Nikko Natividad at McCoy de Leon.
Nikko natakot sa Boyband PH
Speaking of Nikko, inamin nitong somehow daw, as a member ng Hashtags, nakararamdam siya ng insecurity sa biglaang pagsikat ng Boyband PH.
Equally as good looking nga naman ang five members ng Boyband PH kumpara sa mga kasama sa Hashtags. At magagaling din itong dancers, bukod sa mahuhusay kumanta.
Well, Nikko, nangangahulugan lang na dahil may posibleng maging “kalaban” kayo, dapat maging challenge ito sa inyo.
Arci at Daniel may sexual tension?!
Ang ganda ng chemistry, Salve A., nina Arci Muñoz at Daniel Matsunaga, na bilang partners, were proclaimed first winner ng bagong challenging reality talent show ng ABS-CBN, I Can Do That.
Napakagaling nila sa kanilang acrobatic performance.
Parehong loveless, as they both just came from a failed relationship. Si Arci sa fellow rocker na si Badi del Rosario, at reportedly ay anak ng Brunei Prince, at si Daniel naman kay Erich Gonzales. Dahil dito, posibleng ma-link sila sa isa’t isa.
Well, it can happen, ‘di ba, Salve A?
(Hahah. Type ba ni Arci si Daniel? Hindi siya anak ng Prince? J - SVA)
- Latest