^

Pang Movies

Pia gusto munang umarte-arte

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Nagbigay ng ilang updates si Miss Universe 2015 Pia Alonzo Wurtzbach ng kanyang mga gagawin pagkatapos niyang maipasa ang kanyang korona sa bagong Miss Universe na si Miss France Iris Mittenaere noong nakaraang January 2017.

Excited na raw ang former beauty titleholder sa muling pagiging busy naman niya rito sa Pilipinas.

Naghihintay din siya ng mga gagawing projects sa New York-based modeling agency na IMG kunsaan nakakontrata na siya.

Gusto nga raw niyang i-revive ulit ang kanyang showbiz career na matagal niyang iniwan noong magsimula siyang sumali sa Bb. Pilipinas.

Bago nga naging Miss Universe si Pia, nakilala siya bilang Pia Romero at lumalabas siya sa mga shows ng ABS-CBN.

“Fingers crossed ako sa life with IMG and with my showbiz life here in the Philippines.

“But I would also like to do a rom-com, actually comedy naman so maybe I could do that,” ngiti pa niya.

Tumutulong din daw siya sa paghubog ng mga future beauty queens sa pama­magitan ng pakikipag-usap sa official candidates ng 2017 Bb. Pilipinas Pageant.

Pinayuhan sila ni Pia na galingan sa Q&A dahil iyon daw ang magiging basehan ng pagiging winner.

“Siguro kailangan lang nilang alamin kung kailan sila puwedeng maging seryoso o kailan puwede medyo kuwela.

“The one who makes the judges laugh in a good way, hindi ‘yung parang in a good way gets the vote.”

Happy din ang lovelife ni Pia with Filipino-Swiss professional race car driver na si Marlon Stockinger. Pero hindi naiwasang may bumabatikos sa samahan nila dahil sa mga sweet photos sa social media.

“May mga bashers hindi naman maiiwasan ‘yun, but people don’t know what we’re like behind the camera.

“You empower to each other to be better people and that’s what we do,” pagtatapos pa ni Pia.

Kylie idinispley ang baby bump

Dahil kumpirmadong wala na siya sa Encantadia, nagiging busy si Kylie Padilla sa pag-aalaga ng kanyang katawan dahil 19 weeks pregnant na siya.

Sa kanyang Instagram account ay ipinost niya for the first time ang kanyang baby bump habang nasa isang prenatal yoga class.

Proud na proud nga si Kylie sa kanyang pagbubuntis at excited na ito sa pagiging nanay.

Habang wala pang trabaho si Kylie, bukod sa yoga, nahihiligan din nito ang magbasa at magkulay ng coloring book.

Minsan naman daw ay binge-watching siya ng mga series sa Netflix kasama ang kanyang alagang pusa.

Inamin din ni Kylie na nami-miss niya ang co-stars sa Encantadia at wala raw siyang pinalalampas na episode nito.

J.Lo, baseball player ang bagong papa

Mukhang mabubura na ang tsismis tungkol kina Jennifer Lopez at Drake dahil ang totoong idine-date niya ay ang baseball star na si Alex “A-Rod” Rod­riguez.

Ilang buwan na raw na secretly dating ang dalawa, pero ngayon lang lumabas ito dahil gusto na rin tapusin ni J.Lo ang anumang rumor sa kanila ni Drake.

Nakita sina J.Lo at A-Rod na nagbabakasyon sa Bakers Bay Golf & Ocean Club, isang exclusive, owners-only destination sa the Bahamas.

Ayon sa Page Six ng New York Times, lumipad via private jet sina J.Lo at A-Rod from Miami to Marsh Harbour noong nakaraang Friday.

At 9:30 p.m., nakarating sila sa Harbour View Marina, kunsaan sumakay sila ng isang power boat papunta sa private resort.

“It’s early days, but Jennifer and Alex are really into each other,” ayon pa sa isang source.

Wala nga raw makakaistorbo na paparazzi sa dalawa dahil very private ang naturang resort club na nagiging pahingahan ng mga rich and famous in Hollywood tulad nila 3Witherspoon, Michael Jordan, Tom Brady and wife Gisele Bündchen.

Sa naturang resort din nagbakasyon noon sina Jennifer Garner and Ben Affleck bago sila naghiwalay.

vuukle comment

PIA ALONZO WURTZBACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with