^

Pang Movies

Sikat na drama actress nagpapanggap ‘pag gustong lumayas sa taping

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Nag-power-tripping na naman daw ang isang drama actress sa set ng kanyang TV show. Kaya imbes na matapos daw sila ng maaga, inabot sila ng madaling-araw dahil sa mga nakakalokang demands ng drama actress.

Tinopak daw noong araw na iyon ang drama actress at ang pinag-initan daw ay ang lugar kung saan nakatayo ang dressing room tent niya.

May naaamoy daw siyang hindi maganda kaya pinalipat-lipat niya ang tent pati na ang portalet na ginagamit nila sa set.

“Naku may sapi na naman ang babaeng ‘yan. Kasi nga dumating siyang late kaya inunahan na niya ng init ng ulo kuno para hindi siya masitang late siya.

“Ayun kakababa pa lang ng sasakyan, nagtatalak na siya na may naaamoy daw siyang hindi maganda. Eh kanina pa kami sa same na lugar, wala naman kaming naaamoy. Siya lang ang nag-imbento ng mga naaamoy niya para hindi maungkat ang pagkaka-late niya sa set,” chika pa ng source namin.

Sunod daw na pinag-initan ni power-tripping actress ay ang production design ng set. Hindi raw niya gusto kaya kung puwede ay palitan daw nila.

“Aba nagtatalak sa set na hindi raw maganda ang ayos. Palitan daw nila lahat. Umaastang siya ang bossing. Eh wala ngang reklamo ang mismong E.P. (executive producer) namin dahil mabilis at maganda naman ang pagkakaayos.

“Nalaman namin na kaya pala gusto niyang papalitan dahil aalis siya at may kakatagpuin na kung sino. Siyempre, aabutan ng matagal ang pag-aayos ulit sa set.

“Pero hindi pumayag ang E.P. namin sa drama niya. Hindi niya pinayagan umalis ang drama actress at kailangan mag-shoot na sila dahil nakakahiya sa veteran actors na nasa set na.

“Pinagsabihan niya talaga. Nagtalakan sila sa loob ng dressing room tent. Ang ending, walang nagawa si drama actress. Nag-shoot pa rin siya.

“Tinakot kasi siya ni E.P. na ire-report niya ang nangyaring iyon kapag nagtangka itong umalis. Dahil mapipilitan siyang i-pack-up ang taping at ire-report niya na nag-walkout ito.

“Well, magiging witness kaming lahat sa masamang ugali ng babaeng ‘yan. Kapag tinopak, damay ang lahat sa set. Mabuti na lang at matapang itong E.P. namin at ‘di siya nagpatalo sa power-tripping ng bruhang ‘yan,” pagtapos pa ng source namin.

Matapos ‘di lumusot sa Miss Earth, Ex-dyowa ni Jake pasok sa Bb. Pilipinas

Isa pala sa 40 candidates ng Bb. Pilipinas 2017 ang ex-girlfriend ni Jake Cuenca na si Chanel Olive Thomas.

Nag-post ang Fil-Australian model ng kanyang naging training para sa Bb. Pilipinas sa ilalim ng Aces & Queens ni Jonas Gaffud.

Puspusan nga ang training ni Chanel sa kanyang paglakad dahil pangarap din pala nito na maging isang beauty titleholder.

Sumali na rin si Chanel dati sa Miss Philippines Earth noong 2015 at nauwi niya ang Miss Philippines Air.

Ang tanong ay kung manonood kaya ang ex-boyfriend niyang si Jake sa coronation night ng Bb. Pilipinas?

Naikuwento na dati ni Jake na noong magkabalikan sila last year, parang nawala na raw ang mainit na nararamdaman nila sa isa’t isa, kaya minabuti ng aktor na makipaghiwalay na lang.

May mga gusto raw kasing gawin pa si Chanel at hindi na raw nito priority ang pakikipagrelasyon.

Nabanggit din ni Jake na friends pa rin daw sila ng kanyang ex-girlfriend.

Natalie Portman tinago ang panganganak

Ipinanganak na ng Oscar-winning actress na si Natalie Portman ang kanyang second child noong nakaraang February 22. Pero noong nakaraang Friday lang nila ito inilabas sa media.

Pinangalanan nila itong Amalia.

Baby girl naman this time ang anak ni Natalie at ng kanyang mister na si Benjamin Millepied. Una nilang anak ay six-years old na ngayon na si Aleph.

Naging perennial nominee si Natalie nitong nakaraang awards season sa Hollywood dahil sa pagganap niya bilang ang former first lady na si Jackie Kennedy sa pelikulang Jackie.

Naka-attend ang 35-year old actress ng Golden Globes at Screen Actors Guild, pero hindi na siya namataan sa nakaraang Oscars dahil nakapanganak na pala siya pero tinago muna nila ito sa media.

Nanalo si Portman ng Oscar best actress noong 2010 para sa psychological drama na Black Swan kung saan nakilala niya ang kanyang mister na si Benjamin na isang choreographer sa set ng movie.

TAPING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with