^

Pang Movies

Hollywood actress na si Faye Dunaway ayaw pag-usapan ang maling Best Picture sa Oscar!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Sosyal ang Hollywood veteran actress na si Faye Dunaway dahil tumanggi siya na magsalita tungkol sa pagkakamali ni Warren Beatty sa announcement ng best picture winner ng 89th Academy Awards.

“No, I’m not going to speak about it,” ang sagot ni Faye sa mga nagtanong sa kanya dahil silang dalawa ni Warren ang partners sa announcement ng winner.

Binigyan pa naman ng standing ovation sina Faye at Warren nang ipakilala sila bilang mga presenter ng best picture award dahil ang dalawa ang magkapareha sa 1967 movie na Bonnie and Clyde at ang 89th Academy Awards ang reunion nila.

Jimmy Kimmel hindi bastos ang pang-ookray kay Trumph

Nadagdagan ang fans ni Jimmy Kimmel dahil ang galing-galing niya na emcee ng Oscar Awards.

Sa sobrang husay ni Jimmy, nagawa nito na maging magaan ang sitwasyon nang magkamali si Warren ng announcement sa nanalo sa best picture category. Ang La La Land ang sinabi ng veteran actor pero ang Moonlight ang tunay na nag-win.

Kahit siguro hindi nagkamali si Warren, walang magpoprotesta laban sa La La Land dahil maganda rin naman ang pelikula nina Ryan Gosling at Emma Stone.

Mabuti pa si Jimmy, very positive ang image, kahit pinaglaruan niya sina US President Donald Trump, Matt Damon, Mel Gibson at ibang mga Hollywood star.

Ibang-iba si Jimmy sa isang Jim na kinu­kutya ng mga Pilipino dahil walang pinagkatandaan, ayon nga kay Elizabeth Oropesa.

Negang-nega ang image ng Jim na tumalak sa mga youth supporter ni President Rodrigo Duterte sa EDSA rally noong Sabado.

Pinupuri ang mga youth supporter na hinamak ni Jim dahil hindi nila pinatulan ang pambabastos sa kanila. Hindi pala basta-basta ang isa sa mga miyembro na sinermunan ni Jim dahil corp commander siya pero hindi nagpakita ng kabastusan sa nakatatanda sa kanya.

Miss U may payo sa mga taga-Oscars

Napanood ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang kapalpakan na naganap sa Oscar Awards kaya may reaksyon ang beauty queen na unang naging biktima ng maling pagbasa ng card noong December 2015.

“If it can happen to me, it can happen to anybody,” ang sey ni Pia na naging most popular Miss Universe winner dahil sa pagkakamali ng American TV host na si Steve Harvey.

May payo naman sa mga organizer ng Aca­demy Awards ang Miss Universe Organization.

Ang payo ng MUO, “Have your people call our people, we know what to do.”

Pinagpistahan sa buong mundo ang nangyari kay Pia sa Miss Universe noong 2015 at hanggang ngayon, hindi pa ito nakakalimutan ng madlang-bayan.

Ang name ni Steve Harvey ang agad na sinabi ni Jimmy Kimmel nang magkamali ng announcement ng winner si Warren Beatty, kahit dalawang taon na ang nakalilipas mula nang mangyari ang kapalpakan sa Miss Universe.

FAYE DUNAWAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with