^

Pang Movies

Jim imposibleng hindi apektado sa viral video

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Kung marami ang nakapanood ng viral video ng pagtalak ni Jim Paredes sa mga pro-Duterte na nagpunta sa EDSA noong Sabado, marami rin ang hindi kinaya ang eksena kaya hindi nila tinapos ang panonood.

Sa true lang, kung hindi pa tumalak si Jim, hindi mapag-uusapan ang kilos-protesta noong Sabado. Natuwa pa nga ang mga motorista at mga pasahero dahil walang trapik sa EDSA nang araw na ‘yon kaya mabilis sila na nakarating sa kanilang mga paroroonan.

Hanggang kahapon, dinedepensahan ni Jim ang kanyang ginawa pero imposibleng hindi siya affec­ted ng mga batikos dahil tao lamang siya na marunong masaktan.

Elizabeth nag-emote

Nag-emote rin si Elizabeth Oropesa sa ipinakita na ugali ni Jim Paredes.

Pinanood ni Oro (tawag kay Elizabeth) ang bullying video ni Jim at hindi niya ma-take ang mga eksena kaya nagsalita siya.

In fairness kay Oro, idinamay nito ang sarili nang tawagin niya na matanda na si Jim para umasal nang ganoon.

Ang feeling ni Oro at ng mga nakiki-agree sa kanya, walang pinagkatandaan si Jim.

“Mr. Jim Paredes, mawalang galang na. Masyado lang akong naapektuhan du’n sa ginawa mo sa bata. Kung ako ba ang makakaharap mo, gagawin mo rin sa akin ‘yon? Sasabihin mo rin sa akin ‘yon, look at me, look at me? Ilalapit mo rin ‘yung mukha mo sa mukha ko?

“Nagtatanong lang ako. Sana huwag magkaroon ng pagkakataon na magkaharap tayo tapos gawin mo sa akin ‘yon. Alam mo hindi lahat ng tao kaya mo. Hindi ko lang talaga mapigilan ang magsalita ngayon.

“Pasensya ka na hindi ako kasing-galing mo pagdating sa pang-aalipusta o pagsasalita. Hindi yan ang style ko. Sobra lang akong naapektuhan dun sa ginawa mo kasi matanda ka na! Pareho tayong matanda na! Showbiz ka, pareho tayong showbiz. Napakapangit!

“Alam mo ang lumalabas, ikaw ‘yung duwag. I’m so disappointed kasi kahit na hindi ko gusto ‘yung gusto mo, igagalang pa rin kita eh.

“Hindi ko maubos maisip na magagawa mo ‘yon. Sana huwag mo nang ulitin pero huwag kang mag-alala.

“Pag tayong dalawa ang nagkaharap, hihintayin ko lang kung gagawin mo rin sa akin ‘yon. Ingat ka lang talaga kasi hindi lahat ng tao ay may pasensya.

“Hindi lahat ng tao ay kaya mo. Baka makatapat ka ng isang taong hindi ka sa­santuhin. Maraming gustong maghamon sa’yo. Sayang, sayang, gustong-gusto pa naman kita noon kahit hindi tayo magkaibigan. Ang pangit eh, parang wala kang pinagkatandaan,” ang emote ni Oro na nawindang sa akting na ipinakita ni Jim sa EDSA rally.

Anak nina Kylie at Aljur, ipapangalan kay Robin

Joaquin pala ang balak na ipa­ngalan nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica sa kanilang coming soon na baby boy.

Hindi lang ako sure kung naisip nila ang name na Joaquin dahil ito ang name ni Robin Padilla sa tele­serye ng GMA-7 na pinagbidahan niya noon, ang Joaquin Burdado.

Confirmed na baby boy ang ipinagbubuntis ni Kylie na magsisilang sa July.

Mabilis na kumalat ang balita tungkol sa gender ng baby dahil walang puwedeng ilihim sa showbiz.

vuukle comment

JIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with