^

Pang Movies

Debut ng anak ni Lito Lapid, dinaluhan ng pangulo!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Dumalo si Presidente Rody Duterte sa debut ni Ysabel Ortega, anak ng dating aktres na si Michelle Ortega. Ang dating senador na si Lito Lapid ang ama ni Ysabel.

Chika ni Manay Lolit Solis, lihim na lihim daw ang pagkakaroon ng relasyon nina Lito at Michelle hanggang ipinanganak si Ysable. Hindi naman daw kumontra ang ama ni Michelle kahit kilala sa kapulisan bilang Markang Bungo. Si Rudy Fernandez ang lumabas sa role ng ama ni Michelle na lalong nagpa­tingkad sa kanya bilang action star.

Huli naming nakita si Michelle sa isang fiesta ng bayan ng Aringay sa La Union.

At least, bongga ang debut ni Ysabel dahil sa presence ng presidente ng bansa, huh!

Daniel misteryoso ang buhay sa Brazil

Misteryo pa rin kay Manay Lolit ang paghihiwalay nina Daniel Matsunaga at Erich Gonzales.

“Bakit matapos dalhin ni Daniel ang girlfriend niya sa Brazil, naghihiwalay pagkatapos ng ilang buwan. Ganyan ang nangyari nang si Heart Evangelista ang girlfriend niya noon. Pagkagaling nila sa Brazil, split agad after a month.

“Tapos, heto si Erich. Dinala ni Daniel sa Brazil, after two months, tsugi na ang relasyon nila. May sikreto kaya silang nalaman kay Daniel habang nasa Brazil sila? Nakakaloka, huh!” litanya ni Manay Lolit sa chikahan niya with Arnold Clavio at Ali Sotto sa DZBB program nila.

Sa pahayag na magkahiwalay ng dalawa, wala rin silang detalyeng ibinigay sa nangyari sa kanilang relasyon. Mas idiniin lang ni Dandan na hindi pera o third party ang dahilan ng break-up nila.

Pero tiyak na mabigat ‘yon dahil hindi sila maghihiwalay kung magaan lang. Dahil sa nangyari, apektado  lahat ng future projects nila. Nakagawa pa naman sila ng fan base na puwedeng sumuporta sa kanilang TV o movie, huh!

Basta si Erich, bago ang hairstyle bilang paraan niya ng pag-move on, huh!

AiAi hindi na naabutang ikinasal ni Fr. Erick

Nagdurugo man ang puso ni AiAi delas Alas sa pagkamatay ng kaibigang pari na si Father Erick Santos sa gitna ng pagri-rehearse niya ng Valentine show, naglaan pa rin siya ng oras upang ibahagi ang kalungkutang nadarama sa pagyao ng kaibigan.

Isa si Father Erick sa spiritual advisers ni AiAi. Wala siyang pangingiming magbigay ng tulong sa mga kaibigan, mahina man o malakas ang kanyang kita.

Huli naming nakita si Father Erick nu’ng bigyan ng Papal Award si AiAi. May sakit na siya noon pero bakas pa rin ang kagalakan niya sa ipinagkaloob na blessing sa kaibigan. Siya rin ang nagpayo kaya AiAi na magpakasal sa boyfriend na si Gerald Sibayan.

‘Yun nga lang, hindi na makikita ni Father Erick ang inaasam niyang kasal ng kaibigan.

Nakaburol ang labi ni Father Erick sa St. Peter Chapel sa 5th Avenue along C 3 sa Caloocan City.

MICHELLE ORTEGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with