^

Pang Movies

Bryan mas maraming school ang lilibutin

Pang-masa

MANILA, Philippines - Ang Prince of Teleserye Theme Songs na si Bryan Termulo ang latest brand ambassador ng Megasoft Hygienic Products.

Wala namang problema kay Bryan Termulo kahit ang kine-cater nila sa mga tao ay baby care products, Sister sanitary napkins and pantyliners, baby diapers, Megasoft tissue at iba pa.

Kakaiba rin ang pakulo ngayong taon ng Megasoft dahil mas paiigtingin pa nila ang paglilibot sa iba’t ibang schools nationwide to entertain and further instill the value of education sa mga kabataang Pinoy sa pamamagitan ng School is Cool advocacy.

Last year ay tagumpay ang School is Cool na ginawa ng Megasoft kunsaan 19 na paaralan ang kanilang napuntahan mula sa iba’t ibang cities, municipalities, and provinces sa Luzon, Visayas, at Mindanao. “Masaya dahil kung saan-saan kami nakararating, iyong mga lugar sa Mindanao na hindi ko in-expect na mapuntahan, napuntahan ko. Saka masarap maka-bonding ang mga teens. Ako pa naman, gusto ko talagang muling mag-aral at kumuha ng subjects for high school education. Kaya looking forward ako sa marami pang school tours na gagawin namin na sinimulan na namin last year na unang pinuntahan namin ang Cotabato City,” pagbabahagi ni Bryan.

Ngayong 2017 ay dodoblehin ng Megasoft ang efforts na nilabas nila last year para naman mas marami ang maabot ng kanilang School is Cool advocacy na siyempre ay pangungunahan ni Bryan.

Naganap nga noong January 9 ang kick-off ng said advocacy kung saan ang Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School sa San Pablo City, Laguna ang kanilang nasampolan.

Malalaman sa Instagram account na Megasoft_PH ang schedule ng mga susunod na paaralang kanilang bibisitahin.

Perfect na brand Ambassador si Bryan dahil noong siya ay nasa college ay dean’s lister din siya. Graduate siya ng Communication Arts sa isang university sa Quezon City at kamakailan lang ay natapos niya ang kanyang supplementary education. Konti na lang ay pwede na siya maging high school teacher.

Samantala, looking forward na rin si Bryan na gumawa ng album lalo’t co-managed na siya ng BWB Records and Music Productions at ng Asian Artist Agency ni Boy Abunda.

vuukle comment

BRYAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with