^

Pang Movies

Donna Villa nakangiti sa pagkakahimlay!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Nagpunta kami sa unang gabi ng wake ng actress-producer na si Donna Villa sa Cosmopolitan Chapels. Walang ibang nakaburol doon sa napakalaking building maliban kay Donna. Maganda ang lugar at hindi mukhang punerarya. Bagama’t sinabi na ng pamilya, particularly ni Direk Carlo Caparas na huwag nang magpadala ng bulaklak kundi i-donate na lamang iyon sa sinabi nilang foundation, napakarami pa ring bulaklak from people who matter.

Inabot namin doon ang mga malalaking pangalan sa industriya. In full force ang grupo ng Viva led by no less than Vic del Rosario. Dumating din si dating chairman Manoling Morato na kilalang close talaga sa pamilya. Naroroon din si dating senador Sonny Alvarez, kasama ang kanyang asawang si Cecille Guidote.

Naroroon sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama, at siyempre naroroon si Ruffa Gutierrez na naging star din ng pelikula nina Donna at Carlo. Dumalaw din si Cheng Muhlach. Dumating din si Imelda Papin na presidente ngayon ng Actors’ Guild, kasama ang iba pa nilang mga opisyal, si Ricky Davao, at marami pang iba.

Lahat halos ng naroroon ay magkakakilala. Tahimik doon sa loob mismo ng chapel, pero sa labas, sa may entrance, naroroon ang maiingay na nagkukuwentuhan. Wala naman silang ibang pinag-uusapan kundi ang kanilang pagkabigla sa maagang pagyao ni Donna, at kung gaano kabuting kaibigan iyon sa lahat ng taga-showbusiness.

Walang TV coverage. Kahit na nga pictures ay ayaw nila sa loob ng chapel. “Iyon kasi ang gusto ni Donna,” sabi ni Direk Carlo Caparas. “Ayaw kasi ni mama na may nagwo-worry o nag-aalala pa sa kanya, pero lahat naaalala niya,” sabi naman ng kanyang anak na si CJ.

Pinagmamasdan namin si Donna na nakahimlay. Alam mo kung papaano siya pinahirapan ng cancer. Sa kamay niya, may mga bahaging nangingitim dahil siguro sa saksak ng mga karayom ng gamot. Pero kung titingnan mo ang kanyang mukha, maganda pa rin siya at wala kang mababakas na kalungkutan. Siguro nga dahil naging maligaya naman siya sa kabuuan ng kanyang buhay.

Habang pinagmamasdan namin siya, ang naglalaro sa aming isipan ay ang isang linya sa kantang Cabaret ni Lisa Minnelli, “when I saw her laid out like a queen, she was the happiest corpse I’ve ever seen.” 

Suwerte rin kami dahil nakita pa namin siyang nakahimlay nang ganoon. Napagmasdan namin siya for the last time, kasi nai-cremate na siya ngayon. Bagama’t nasa memorial chapel pa rin ang kanyang mga labi, hindi na siya makikita. Pero sa palagay namin, hindi pa rin mapipigil ang pagpunta roon ng mga tao sa industriya na nagmamahal sa kanya.

Bilang isang producer, naging kontrobersiyal din si Donna dahil sa mga ginawa nilang massacre movies noong araw.

Lahat ng iyon ay naging malalaking hits, at ano man ang sabihin ng mga tumututol doon, ang mga pelikulang ganun ay nagustuhan, pinanood at minahal ng publiko. Makikita mo rin sa mga pelikulang iyon ang pana­nampalataya nina Donna at Carlo, at ang matindi nilang paniniwala sa Diyos.

Sa bawat pelikula, may title na patungkol sa Diyos, nananawagan ng hustisya para sa mga biktima ng karahasan, na inaasahan nilang kahit papaano mabibigyan ng hustisya ng kanilang mga pelikula.

Noong huli naming makausap si Donna, sinabi pa niyang magbabalik na sila sa produskiyon ng mga pelikula dahil kumikita nang muli ang industriya. Hindi na maitutuloy iyon ni Donna, pero alam namin itutuloy iyon ni Direk Carlo on his own, sa tulong din ng kanilang dalawang anak.

DONNA VILLA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with