Ara mas napahamak sa pag-iingay sa social media
MANILA, Philippines - Finally ay eere na ang panghapong teleserye ng GMA Afternoon prime na Pinulot Ka Lang Sa Lupa na matagal naghintay dahil sa sa extended run ng Sa Piling Ni Nanay na ilang buwan namamayagpag sa ratings. Gayun pa man ay kailangan na itong mamaalam dahil naiinip na rin ang marami sa Pinulot Ka Lang Sa Lupa.
Sa tagal nang paghihintay ng Pinulot ay may mga kontrobersiyang kinasasangkutan si Ara Mina na marami ang mga haka-hakang lumabas. Hindi pa namin alam kung kailan mareresolba ito pero inaayos naman daw. Hindi naman kailangan tumanggap ni Ara ng ibang proyekto mula sa ibang network dahil may existing contract pa siyang pinirmahan sa GMA. I am sure na sapat naman ang TF na ibinigay sa kanya kahit matagal siyang nawala sa sirkulasyon. Ganun pa man ay puwede naman siyang magpaalam sa network in writing para pormal at maayos ang problema.
Problema kasi ay nag-emote siya in public through social media imbes na makipag-usap. Malaking no no ‘yan sa mga negosasyon ng dalawang partidong nag-uusap.
- Latest