^

Pang Movies

Kamag-anak ni Raymart?! Claudine humingi ng tawad sa Diyos, reresbak sa nanakit sa anak!

REPORT CARD - Vinia Vivar - Pang-masa
Kamag-anak ni Raymart?! Claudine humingi ng tawad sa Diyos, reresbak sa nanakit sa anak!
Claudine Barretto

Galit na galit si Claudine Barretto sa kanyang mga post sa Instagram account last Sunday dahil sa pananakit sa kanyang 10 taong gulang na anak na si Santino ng isang 27-28 years old na hindi niya binanggit kung sino pero aniya ay kamag-anak daw.

Tatlong magkakasunod na larawan ang ipinost ni Claudine. Sa unang post ay larawan ni Santino at sa caption ay nakasaad ang: “Nagkamali kayo ng SINAKTAN!!! You hurt my Son PHYSICALLY GOD FORGIVE ME SA ANONG GAGAWIN KO SA INYO!!!!”.

Sa pangalawang post naman niya ay makikita si Santino sa larawan na nakahiga sa tila hospital bed dahil may nakalagay na name tag sa kanyang kamay. Sa caption nito ay ganito naman ang nakalagay: “Yang Red sa Arm ng Anak ko saan nanggaling yan kung pinagsabihan nyo lang????”

Pangatlong post niya ay medical certificate na ni Santino mula sa St. Luke’s Medical Center Global City kung saan ay nakalagay ang findings na “soft tissue contusion, right arm” at ina-advise ng school rest for 2-3 days ang bata. Sa caption, Claudine sta­ted: “Medico legal.ayan po Claudinians 10years old pinatulan at sinaktan!!!”

Sa comment section ay may post si Claudine na “di po sa school sinaktan si Saint. PAMILYA NIYA PO GUMAWA SA KANYA. KAMAGANAK”.

Sa isang comment naman ni Claudine ay binanggit niya ang estranged husband na si Raymart Santiago na sana raw ay ipaglaban naman ang anak.

“Sana nga maipag laban nya anak nya kahit minsan lang SA buhay nya.Pamilya nya kasi yun kaya malamang gusto nya walang gulo.pero pwede ba namang palagpasin dahil lang pamilya nila????!!!!” ang malamang comment ni Claudine.

Sa comment section din sinabi ni Claudine ang edad ng nanakit sa anak.

“26 28! Or 29 years old sasaktan mobyung 10years old? Sira ba ulo ng mga yun,” post pa ni Claudine sa comment section.

Her friends and supporters were asking her kung sino ang nanakit kay Santino pero hindi na ito tinukoy ni Claudine at ang clue nga lang na ibinigay niya ay kamag-anak daw.

Langit at lupa child stars na sina Yesha at Xia hindi sinusuway ang DOLE

Dahil mga bata ang bida sa bagong serye sa umaga ng ABS-CBN na Langit Lupa, mahigpit nilang sinusunod ang rule ng DOLE na kailangang four hours lamang ang taping day ng mga bagets.

Ayon sa produksyon, sa gabi pa lang daw ay inaaral na nila ang mga eksenang kukunan sa mga bata para kinabukasan ay madali na at salang na lang nang salang.

Pinadadala na rin daw nila sa mga bata ang scripts before the schedule taping para mapag-aralan na ng mga ito.

“Lahat po ina-adjust namin para sa mga bata para hindi sila nag-aantay, pagdating nila, ime-make-up na agad, tapos, dadalhin sa set, sunod-sunod na kinukunan ang eksena nila. As in, walang patlang, apat na oras po. Pagkatapos nu’n released na po sila. Para po mabango tayo sa DOLE at sa kumpanya,” ayon sa kay direk Carlo Po Artillaga.

Ang mga batang bida ng Langit Lupa ay sina Yesha Camille at Xia Vigor (parehong seven years old) at kahit nag-aartista sila, hindi naman nila napapabayaan ang kanilang pag-aaral.

Si Yesha ay pumapasok sa school regularly at si Xia naman ay thru home study.

“Pagkatapos po ng school, dumidiretso na po kami sa taping,” sabi ni Yesha.

Ayon pa sa mga bagets, hindi naman daw sila nahihirapan sa four hours of taping.

Nagsimula na last Monday ang Langit Lupa at kasama rin sa cast sina Alessandra de Rosi, Yam Concepcion, Ellen Adarna, Patrick Garcia, Jason Aba­los, Tommy Esguerra, Miho Nishida, Jairus Aquino, Sharlene San Pedro at Buboy Garovillo.

ACTOR RAYMART SANTIAGO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with