^

Pang Movies

Ikinumpara sa paboritong spaghetti Bossing Vic malungkot na walang mapapanood ang mga bata sa Pasko

DEAR DJ Jacky G. - Lolit Solis - Pang-masa
Ikinumpara sa paboritong spaghetti Bossing Vic malungkot na walang mapapanood ang mga bata sa Pasko
Vic Sotto

Hindi isyu sa mga producer ng Enteng Kabisote 10 and The Abangers ang magkasabay na playdate sa November 30 ng kanilang pelikula at ng The Super Parental Guardians ng Star Cinema.

Simple lang ang explanation ng mga produ, hindi isyu ang magaganap na tapatan dahil kung parehong naging official entry sa Metro Manila Film Festival ang kanilang mga pelikula, magkalaban pa rin ito sa takilya sa pagsisimula ng film festival sa December 25.

Kahapon ang grand presscon ng Enteng Kabisote 10 and The Abangers sa Annabel’s Restaurant.

Well-attended ang presscon ng pelikula ni Vic Sotto na confirmed na ipalalabas sa mga sinehan sa darating na Miyerkules.

Halos isang linggo lang na maipo-promote ang  Enteng Kabisote 10 pero walang dapat ikabahala si Bossing dahil excite na ang mga bagets na mapanood ang pelikula niya na ni-reject ng Selection Committee ng MMFF.

Type na type ng mga bata ang kakaibang trailer ng Enteng Kabisote 10 kaya  niyayaya na nila ang kanilang mga magulang na panoorin ang pelikula ni Bossing na nakakabilib ang special effects.

Sa title pa lang ng pelikula, obvious na inspired ng The Aven­gers ang kuwento ng Enteng Kabisote 10 dahil super hero si Enteng, ang karakter ni Bossing.

Hindi tinipid ng mga produ ang pelikula dahil sa talent fee pa lang ng mga artista, gumastos na sila nang malaki.

Malalim ang hugot ni Bossing nang sabihin nito na nirerespeto niya ang panlasa ng Selection Committee ng MMFF pero wish niya lang, nirespeto rin ang panlasa ng publiko sa pelikula na gusto nila na panoorin.

Sad si Bossing dahil walang pambata na pelikula  na mapapanood sa December 25.

Hoping si Bossing na maging bukas ang isipan ng lahat alang-alang sa industriya ng pelikulang Pilipino dahil tiyak niya na may lesson na matututunan sa mga mangyayari sa MMFF 2016.

Paolo aminadong hindi pang menor de edad ang Die Beautiful

Biniro naman ni Bossing si Paolo Ballesteros na hindi panonoorin ng mga bagets ang Die Beautiful at totoo naman ang sinabi niya dahil maselan ang tema ng filmfest entry ng co-host niya sa Eat Bulaga.

Naloka nga si Paolo dahil alam ng mga reporter na may isang pasa­bog na eksena sa Die Beautiful na hindi talaga puwedeng mapanood ng mga menor de edad.

Alonzo sa Amerika na lang magpa-Pasko

Starring sa Enteng Kabisote 10 si Alonzo Muhlach na umiyak daw nang malaman niya na hindi kasali sa MMFF 2016  ang pelikula ni Bossing.

Type na type kasi ni Alonzo na sumakay sa float at mag-join sa Parade of Stars.

At dahil hindi nga official entry sa MMFF ang Enteng Kabisote 10, pupunta na lang si Alonzo at ang pamilya niya sa Amerika.

ENTENG KABISOTE 10

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with