^

Pang Movies

Bong nakalabas na ng ospital, balik-kulungan na

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Nakalabas na ng St. Luke’s Global si Senator Bong Revilla, Jr. nu’ng isang araw at nakabalik na rin sa Camp Crame. Pero patuloy pa ring humihingi ng dasal ang asawa nitong si Mayor Lani Mercado-Revilla para lumabas na maayos ang tests na isinagawa sa asawa.

Unang dinala sa hospital ng Camp Crame si Sen. Bong pero dinala pa rin sa St. Luke’s para sumailalim sa iba’t ibang laboratory tests. Habang nasa ospital, may malisyosong balitang kumalat na namatay na siya, huh!

Agad namang itinanggi ang balita ng lawyer ng senador. Sa Facebook account ni Mayor Lani ibinalitang pabalik na sa detention ang asawa. So, buhay na buhay si Sen. Bong, huh!

Rufa Mae hindi na drawing ang kasal

Hayan, huh! Hindi na drawing ang pagpapakasal ni Rufa Mae Quinto sa Fil-Am boyfriend.

November 25 ang date na ipinost ni P-Chi sa wedding niya kesehodang malaki na ang tiyan niya.

Sunud-sunod nga ang wedding ng ilang celebrities. Nariyan sina Kaye Abad at Paul Jake Castillo, Karel Marquez sa non-showbiz guy. Maging si Rosanna Roces, join din sa wedding bless galore kahit na tibo ang pakakasalan niya.

Siyempre, kung may nagpapakasal, may mangangak ding artista. Nariyan si Mariel Padilla na waiting pa ring makasama ang asawang si Robin Padilla habang nanganganak.

Malamig na kasi ang klima kaya sarap mag-honeymoon, huh!

Sandara at Joross nag-bonding

Wala pa ring nagbago sa friendship nina Joross Gamboa at Sandara Park. Ipinadama ng aktor ang pagmamahal kay Sandara nang dumalo ang best friend sa birthday party niya sa The Pool Club last Friday.

Ipinagmalaki naman ni Sandara ang picture nila ni Joross na ang tawag niya ay churros sa Ins­tagram account niya. “Ang kulit mo talaga! Pero you always make me laugh! Hahaha! Thanks for the friendship!”

Marami nga lang nagtatanong kung kailan magkakaroon ng project sa bansa si Sandara bukod sa Pinoy Boyband Superstars, huh! Kung lagare sa Kapuso network ang kaibigan, wala pang masyadong balita sa projects ng Koreana.

Barbie ginaya ang emote ni Kris

May hangover sa Sunday PinaSaya ang isnabang Pres. Rody Duterte at Kris Aquino last Thursday. Ginaya ni Barbie Forteza bilang Kissy si Kris at binanggit pati dayalog ni Kris na, “Pinaghandaan kita. Twenty six na ang baywang ko!” habang kaharap si Jose Manalo bilang Dugong Juterte.

Of course, issue sa Yellow Tards ang hindi pagsipot ni P-Rody sa interview. Kung anu-ano tuloy ang naglabasang birada sa social media lalo na’t sumama umano ang pakiramdam niya kaya ‘di nakasipot. Pero sa ibang appointments niya, pumunta si P-Digong, huh!

Well, anuman ang birada sa desisyon ni P-Duterte na ‘wag magpa-interview, it’s his prerogative. In due time, pasasaan ba’t pagbibigyan din niya si Kris?

vuukle comment

SENATOR BONG REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with