^

Pang Movies

Mister nanghihingi ng bagong baby Jolina pinaiyak ng kanyang mag-ama!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Kahapon ay napaiyak si Jolina Magdangal sa Magandang Buhay dahil sa asawa niyang si Mark Escueta at anak na si Pele nang kantahan siya as part of her birthday celebration.

Nakakatuwang tingnan na habang kumakanta si Mark at ang kanyang bandang Rivermaya, si Pele naman ay nagda-drums. Ang cute-cute tingnan ng mag-ama at sobrang nakaka-touch din kaya naman hindi mapigilan ni Jolens ang maging emosyonal.

Ngayon pa lang, mukhang magiging musikero na just like his dad and mom itong si Pele paglaki.

After the performance ay nagbigay din ng video message kay Jolens ang mga taong mahal niya kabilang na ang kanyang mga magulang na  lalong nagpadagdag ng pag-iyak ni Jolens.

Ang message naman ni Mark sa kanyang asawa, “Marami ka pang gustong gawin, marami ka pang gustong ma-experience sa buhay. Basta nandito lang kami ni Pele hanggang saan, hanggang kelan sasamahan ka namin.

“At sana, ready ka na sa regalo ko sa ‘yo na KNP.”

Tanong ni Jolens, “Ano naman itong KNP na ito?”

Sagot ni Mark, “Kapatid ni Pele”.

Natawa ang lahat.

“Gusto ko mga tatlo, ha?” natatawang sabi ni Jolens.

Ayon naman kay Jolens, kung may hihigit pa raw sa salitang “maraming salamat” ay ito ang nais niyang sabihin sa kanyang mag-ama.

“Hindi ko alam na mayroon palang ganitong happiness na pwedeng ma-feel ang isang tao at na-feel ko ‘yun mula nang dumating ka sa buhay ko Papa (Mark) lalo nang nadagdagan nung dumating si Pele. Dahil ewan ko, minsan parang sa kanila na lang umiikot ang mundo ko.

“Saka lahat ng ginagawa ko, lahat ‘to, may meaning dahil sa kanila, dahil sa kanilang dalawa,” sey ni Jolens.

Angelica pinagkaisahan nina Pokwang, John Prats, Pooh at Jobert!

Hindi nakarating si Angelica Panganiban sa presscon ng 8th anniversary ng Banana Sundae last Thursday pero kahit wala siya, sobrang papuri naman ang binitawan ng mga kasamahan niyang sina Pokwang, John Prats, Pooh, at Jobert Austria para sa kanya.

Ayon kay Pokwang, pinakagusto raw niyang ugali ni Angelica ay ang pagka-pranka nito.

“Ang unang-unang gusto ko sa ugali ni Ange­lica, ‘yung pagiging pranka. Rekta ‘yung batang ‘yun, eh. Rekta siya. ‘Pag talagang nasaktan ka, so problema mo na ‘yun.

“At saka ‘yun, talagang hindi ka niya titigilan hangga’t hindi mo ino-open sa kanya kung ano talaga ‘yung nararamdaman mo. Very concerned siya sa feelings ng bawat isa. Maalaga, sobra.

“Kung sino ‘yung wala pa, talagang ano siya, “anon’g nangyari? Bakit wala pa?” Nag-aalala siya sa bawat isa sa amin. Ganu’n si Angelica.

“Kaya ‘pag minahal mo siya bilang kaibigan, kung baga, masusuklian niya ‘yun ng mas higit pa sa inaasahan mo. Iba si Angelica, ang gaan katrabaho, sobra,” mahabang pahayag ni Pokie.

Say naman ni John, wala raw ka-diva-diva attitude si Angelica na porke’t siya ang nauna sa Banana Sundae ay mas star na siya.

“Like nun’g pagpasok namin, kahit naman si­guro sina JC (de Vera) nun’g pumasok din, ganu’n din siya, eh, niyakap niya pagpasok. Hindi ‘yung mararamdaman mo na “matagal na ako rito, hoy teka lang, diyan ka muna”. Talagang gusto niya kasama ka sa pamilya.

“Saka very generous siya, hindi lang sa amin – sa lahat. Like ‘pag may birthday sa amin, like si Rona or kahit na sino, mga EP (Executive Producer) namin, ganyan, ‘pag may birthday, may gift ‘yun na perso­nalized pillow, blanket. Lahat ‘yun nakalista. ‘Yung mga small things na ganu’n na talagang mamahalin mo sa kanya,” sey ni John.

Pahayag naman ni Pooh, “si bakla (Angelica), what you see is what you get. ‘Yun na siya. Mamahalin mo siya kung ano siya. Mamahalin ka rin niya kung ano ka magtrato sa kanya. ‘Yun, ‘yun. Ganu’n siya. Ganu’n si bakla.”

Si Jobert naman ay sobrang thankful kay Angelica sa sinabi nitong handa nitong ibuwis ang buhay para sa kanya.

“Maraming salamat sa kanya (Angelica). Marami ang hindi nakakaalam pero lagi kaming magkasama nu’n, eh. Marami kaming mga napag-uusapan, hindi sa showbiz pero bilang magkaibigan,” sabi ni Jobert.

Kahit wala si Angelica sa presscon, of course ay kasama raw ito sa 8th anniversary concert ng Banana Sundae na Banana Sund8: The 8th Anniversary Special na gaganapin sa Kia Theater ngayong Nov. 17.

“Actually, kaya wala siya ngayon, nagre-rehearse po siyang mag-isa,” pagbibiro ni Pooh.

vuukle comment

MARK ESCUETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with