^

Pang Movies

Sikat na magka-loveteam gusto lang daw guluhin pinag-iinitang eksena nina James at Nadine para lang kina Bea at Paulo

- Vinia Vivar - Pang-masa
Sikat na magka-loveteam gusto lang daw guluhin pinag-iinitang eksena nina James at Nadine para lang kina Bea at Paulo
James Reid

Nagtataka ang mga fans nina James Reid at Nadine Lustre kung bakit may mga nagrereklamo sa car and bath tub love scenes ng JaDine sa Till I Met You na naging dahilan nga para maalerto ang MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) at ipatawag for a meeting ang mga involved sa produksyon kabilang na ang directors na sina Andoy Ranay at Antoinette Jadaone.

Kinukuwestiyon ng JaDine fans kung ano ang malaswang eksenang nakita sa Oct. 25, 26, 27, and 28 episodes na siyang dahilan ng pagpapatawag ng meeting ng MTRCB.

Napanod namin ang car love scenes ng JaDine na ipinalabas noong Oct. 25 at wala rin kaming nakitang malaswa. In fact, para sa amin, ito ang isa sa pinakamagandang pagkaka-execute ng love scenes on TV, just like kung paano memorable sa amin at hanggang ngayon ay hindi namin makalimutan ang love scene nina Bea Alonzo at Paulo Avelino sa Sana Bukas Pa ang Kahapon.

Granted na mag-asawa ang role nina Paulo at Bea sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon pero kung sex without marriage lang ang kinukuwestiyon sa eksena, ang mga love scenes din ni Arci Muñoz with Jericho Rosales and John Estrada sa Magpahanggang Wakas ay dapat ding kwestiyunin.

Feeling ng TIMY and JaDine fans, masyadong pinag-iinitan ng mga “kalabang” fans sina James at Nadine dahil nga sikat ang mga ito at gusto lang malagay sa alanganing sitwasyon ang magka-love­team.

Ang dami ring nangba-bash ngayon sa dalawa pero kung kami ang tatanungin, hindi ba’t sumusunod lamang sila sa direktor? Kung hindi naman sila susunod, ang magiging issue naman sa kanila ay nag-iinarte at may attitude na.

Samantala, heard na nilinaw na rin ni MTRCB chairman Toto Villareal na ang pagpapatawag niya sa directors, executive producer at writer ng TIMY on Nov. 10 ay isang “dialogue” lang at hindi pagkastigo.

Dingdong nagkatotoo sa hula kay Paulo

Proud na proud si Dingdong Dantes sa narating ng dating StarStruck contestant na si Paulo Avelino kung saan ay siya ang host.

Sumali si Paulo sa Season 4 ng StarStruck kung saan ay na-eliminate siya agad.

Pero ayon kay Dingdong, even before pa na nasa Starstruck ito, kinakitaan na niya ito ng talento at alam niyang sisikat someday.

“Nu’ng sa StarStruck, may mga side bets kami no’n, eh. Kunyari sila ‘yung Top 2 winners, pero kaming mga hostay, meron kaming ‘yung sa tingin namin, eto (ang bet).

“During that time, siguro I would say na si Paulo ang isa sa mga na-predict ko that would really be a significant actor of his generation and true enough, nangyayari nga so proud na proud ako sa kanya,” sabi ni Dingdong sa presscon ng The Unmarried Wife kung saan ay kasama niya si Paulo.

Nang tanungin naman si Paulo kung ano ang reaksyon niya sa sinabi ni Dong, aniya, “Speechless”.

Who would ever think nga naman na balang araw pala ay makakasama niya si Paulo sa ganitong klaseng pelikula na tagisan ng acting talaga.

Say nga ni Paulo, kahit siya ay hindi rin niya akalain na magkakatrabaho sila nang ganito ni Dong.

“I’ve always been looking up with kuya Dong not just for his talent as an actor and his artistry and his passion for films he’s producing but also as a role model para sa society natin.

“So, palaging nandu’n at palaging hindi mawawala ang respeto ko kay Kuya Dong,” say pa ni Paulo.                         

Paulo nadadala sa akting ni Angelica

Kay Paulo pa rin, first time niyang nakatrabaho si Angelica sa The Unmarried Wife at sobrang nag-enjoy daw siya working with her.

“Nag-e-enjoy akong kasama si Angelica kahit off screen. Kasi, ‘yun nga, parang minsan, tahimik lang siya, minsan, parang ako ‘yung nape-pressure na mag-isip ng topic para mapag-usapan namin, eh,” natatawang sabi ni Paulo.

“Masaya lagi. Lagi siyang may kinakanta sa set na nakakatawa. Ang dami niyang bagong baon,” natatawa pa rin niyang dugtong.

On screen, sobrang nakakabilib daw talagang katrabaho si Angelica.

“It’s so nice to work with someone na kaharap mo pa lang, tinitingnan mo pa lang, nadadala ka na, napapaniwala ka. At siyempre, gandang-ganda ka na rin. Napapaniwala ka agad sa gustong sabihin ng karakter niya sa eksena.

“So, I’m very blessed actually to work with 2 very good actors,” he said.

vuukle comment

TILL I MET YOU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with